SIMON'S POV
"Simon."
Napatingin ako sa pinto ko dahil may tumawag sakin.
Tinignan ko lang siya at lumapit din naman siya sakin.
"Did you already knew about this?"
Nilapag ni Sandro sakin yung isang brown envelope di ako nagsalita pero tinignan ko yung laman.
A pictures of Apollo and Ashley and the other pictures are Ashley and Olga. May mga iba pang investigation papers dito binasa ko lang ng konti pero di lahat.
"Pinainbistigahan mo sila?" I asked Sandro.
"Yes at alam kong alam mo na to."
Tinignan ko lang si Sandro.
"Nakilala mo si Apollo diba alam mo rin na Sirene dated him. Hinayaan mo lang?" asik niya sakin.
"Choice ni Sirene yun."
"Choice nga ni Sirene tapos hinayaan mo?"
"I just want—"
"You just want her to be happy?" sarcastically Sandro said.
"Bakit ano bang mali sa hinayaan kong si Sirene pumili kung saan siya magiging masaya?"
"Naging masaya ba? Nasaktan si Sirene! Nasaktan yung kapatid natin!"
"Bakit Sandro hindi ba siya pwedeng masaktan? paano matututo si Sirene kung matatakot siyang masaktan? hindi natin hawak buhay ni Sirene. She's already a young adult but yet you're treating her as your little sister. As a child na hindi pa kayang tumayo sa sarili niyang paa."
"I want to protect Sirene lalo na sa mga lalaki."
"Ganun din naman ako eh. Gusto kong protektahan si Sirene sa lahat. Parehas lang tayo ng gusto. Pero sana wag mong ipagkait kay Sirene na pumili at magtiwala sa pinili niya. Hindi rin naman natin masasabi kung tama ba yung choice niya eh kung hindi tayo magtitiwala.
"Now tell me alam mo na to diba?"
"I already knew that."
"Pero di mo man lang sinabi kay Sirene."
"Paano ko sasabihin alam mo naman yung condition niya diba? she's been traumatized!"
"It's your fault! because you let her." Sandro said.
"It's my fault? it's my only fault? really Sandro? ganyan ka naman eh lagi mo sakin sinisisi lahat."
"Kung hindi mo hinayaan na mapalapit si Sirene kay Apollo hindi mangyayare to."
"Akala ko ba matalino ka? wala ba sa investigation mo na si Olga ang may kagagawan neto? ginamit niya si Ashley para makuha si Apollo at masaktan si Sirene. Victim lang din dito si Apollo pero ang mali niya naniwala siya agad at di muna inalaman ang totoo. Hindi mo naman kilala yung tao eh kaya you don't have the right to say that. Wala kang alam Sandro wala." I said and I walked out.
Days had past and nagulat ako dahil pumunta na naman si Sandro sa room ko.
"Ano na naman yun? meron na naman ba tayong argument?" sarcastically I said without looking at him.
"Samahan mo kong sabihin kay Sirene lahat." he said.
Napakunot tuloy yung noo ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Are you serious Sand—"
"Ayokong sa iba pa malaman ni Sirene kung kailan matagal na. Tingin mo ba hindi siya magagalit satin pag tinago lang natin to sa kanya?"

BINABASA MO ANG
My Brothers And I (SanSiVin)
FanfictionThis story is about how being a Marcoses' sister. What would your life be when you're a Marcos? Will it be difficult or simplistic? Hi everyone! My name is Ma. Feliza Sirene Araneta Marcos I'm the youngest marcos and only daughter of Bongbong Marcos...