Simula

19.6K 840 519
                                    

"Taho!"


Nakabuntot lamang ako kay Ate Mikay habang nilalaro ang mga daliri ko at suot ang maruming malaking damit na napulot ko lamang.



Nang harapin ako ni Ate Mikay ay nag iwas ako ng tingin at lumabi sa kaniya.



"Ikaw talagang bata ka," tawa niya at ibinaba ang bitbit na taho. "Wala pa nga akong benta, humihingi ka na ng pagkain!"



Ngumuso ako. "Wala pa po akong tanghalian, Ate . . ."



Matagal siyang tumitig sa akin. Niyakap ko ang hawak kong mga sampaguita at lalo pang nagpacute sa kaniya. Nagugutom na ako. Wala rin akong hapunan kagabi kaya't kumakalam na ang tiyan ko.



Inabutan niya ako ng bente pesos. Nagliwanag ang mukha ko dahil wala pa akong benta.




"Ayan, bumili ka na lang ng puto o kung ano," sabi niya. "Huwag ka na sumunod at napakainit! Mahihirapan ka lang! Magbenta ka na lang, ha?"





Dumidilim na rin at isa isa nang binubuksan ang mga ilaw rito sa taal. Maganda kasi dahil magpapasko na. Kumalam ang sikmura ko sa gutom ngunit 'di ko na pinansin.





Ang ibang dayuhan na nadadaanan ako ay nagpapapicture pa at minsan ay tinatanong kung p'wede ba raw akong ampunin. Umaayaw ako. Wala akong kinalakihang pamilya miski ama at ina wala akong kilala.





Gusto lang nila akong ampunin dahil maganda ako. Alam ko yon, maganda ako!





"Hi!" Isang dalaga ang lumapit sakin dala dala ang cellphone niya. 'Di ko s'ya pinansin at dinapuan ng tingin ang plastik n'yang hawak na may lamang sapin sapin na malagkit.





"Gusto mo nito, bebe?" Tanong nya.





"M-masarap 'yan, 'di ba!?" Ani ko sa kanya at taas noong nakatingin sa supot. Masarap yon.





Nagbigay siya ng matamis na ngiti sakin at inabot ang supot.





"Ito, sa'yo na lang basta picture tayo, gusto mo?" Tanong niya sakin at inayos ang buhok ko.





Agad akong tumango at ngumiti ng malapad sa camera n'ya. Pagkatapos noon ay ibinigay n'ya sakin ang supot. Walang imik ako nang yakapin ko ang supot at pinanood s'yang lumakad palayo sa akin.





Wala ni isa akong tinatanggap na alok sa pag ampon sa'kin. May hindi tama sa'kin, alam ko 'yon. Isang gabi, noong kaarawan ko biglaan kong napalutang ang cake sa loob ng tindahan na tinititigan ko lang. Noong gabi naman ay biglang nag kulay dugo ang mata ko ngunit mabilis ding bumalik sa totoong kulay nito.





Anim na taong gulang palang ako ngayon. Wala akong matinong matirahan. Hindi naman ako pwede sa bahay nina Ate Mikay dahil ayaw sa'kin ng lasinggero niyang tatay.





Nakatingin lang ako sa mga batang nag bibilihan ng mga sisiw at laruan sa isang dekarton na tinutulak. Bahagya akong napanguso nang makitang nakukuha nila lahat ng
gusto nila. Gusto ko din no'n. Gusto ko ng laruan.






Binuksan ko ang nag iisang natitirang sapin sapin kong pang hapunan at naupo sa sahig. Isang kagat palang ang nagagawa ko ay nahulog na iyon sa sahig dahil sa isang lalaking dumagi sakin.





Agad na namuo ang luha saking mata at pinulot ang pagkain bago tiningala ang lalaking kabababa lang ng kan'yang telepono at nilingon ako.






Barangay Series #3 : Calius DashkovWhere stories live. Discover now