Warning : Mention of harassment. Please read at your own risk. Sensitive readers may skip this chapter and proceed to next.
___
"Color?"
"Yellow!" Ganado kong sagot.
"Very good. Now, what color is this, Amanda?" Marahang tanong ni Teacher Lilith.
"Uhm . ." Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Pink?"
"Very good!" Pumalakpak muli si Teacher Lilith.
Namuo ang malapad na ngiti sa labi ko nang tumama ako. Aminadong naeenjoy ko na ang pakikinig kay Teacher Lilith lalo na kapag lagi ako navevery good.
Sabi niya, kapag natuto na ako lalo ng mga letra ay p'wedeng p'wede na ako pumasok sa paaralan para magkaroon ako ng mga kaibigan!
"Teacher, magbabasa po ulit ako tayo kwento?" Tanong ko. "Tapos cocoloran ko po ulit?"
"Oo, pili ka na sa bookshelf mo ng kwento. Ihahanda ko ang coloring materials mo."
Excited akong tumayo at saka tinungo ang bookshelf ko na maliit. Sakto lamang para sa akin. Sakto lamang para maabot ko at makapili ako.
"S-si . . ." Bulong ko habang binabasa ang pamagat ng kwentong nakuha ko para tingnan kung maganda ba ito. "B-betty at . . . Ang . . . . Palasyong p-pu . . . pulak."
"Pilak," pagtatama sa akin ni Teacher Lilith na nasa likuran ko na. Mukhang pinanonood niya akong basahin. "Si Betty at ang palasyong pilak."
Napangiti ako. "Gusto ko po ito, teacher."
"Sige, mukhang maganda nga 'yan. Next time ay english book naman ang babasahin mo kapag maalam ka na magbasa ng Filipino. Okay ba?"
Tumango ako bilang tugon at saka bumalik sa aking mesa. Binuklat ko na ang libro ko at saka simulan ang pagbabasa habang itinatama ni Teacher Lilith ang mga mali ko.
Nahihirapan pa rin ako nang sobra ngunit sabi sa akin ni Teacher ay mabilis akong matuto kaya naman g ako!
"Oh, ang color ng araw, anong color ng araw?"
"Yellow!"
Natapos namin ang tutor session namin nang mas maaga dahil naenjoy ko ito at hindi kami nagpatigil - tigil dahil sa pagiyak at paghihimutok ko katulad noong huling session namin.
Tahimik muli ang bahay dahil nasa trabaho si papa. Mamaya ulit madaling araw ang dating niya.
Hindi ako nakapaglaro ngayong araw dahil may tutor ako. Bukas mayroon ulit kaya mukhang bihira na lang ako makakalaro.
Sabi kasi ni Diego, sa umaga ay may mga pasok ang kalaro ko kaya naman tuwing hapon lang sila naglalaro.
Eh, tuwing hapon naman ako may tutor. Nakakainis.
Tuwing umaga tuloy ay puro panonood lamang ako ng TV ay minsan sa bakuran lang ako naglalaro.
"Amanda," tawag ni Diego.
"Bakit?!" Sigaw ko dahil magkalayo kami.
Nilingon ko ang bintana. Hindi pa madilim.
"Nandito si Bonete tapos Mccoy. Hinahanap ka."
Tila nanlaki ang tainga ko sa narinig. Mabilis akong tumakbo papunta roon at saka nakita silang dalawa sa sala. Nakaupo roon.
Namuo ang malapad na ngiti sa labi ko.
"Hello!" Masaya kong sabi. "Bakit kayo nandito?"
"Amanda, ang laki pala ng bahay n'yo!" Wika ni Bonete agad.
YOU ARE READING
Barangay Series #3 : Calius Dashkov
FantasyBarangay Balagbag, Cuenca, Batangas. Completed Started : June 18, 2022 Ended : November 11, 2023