Amanda
***
"Maglinis ka!"Pinanlisikan ko ng mga mata si Manang Pokwang at umiling habang nakakrus ang braso sa dibdib.
"Aba, hindi ka na naghugas ng plato kahapon!"
"Hindi naman ako katulong dito!" Sinubukan kong humakbang paalis nang hilahin niya ang kamay ko at kaladkarim papunta sa sala.
Matalim kong tiningnan ang walis tambo at pandakot sa harap ko. Sinipa ko iyon palayo sa akin at agad na sumigaw nang sabunutan ako ni Manang Pokwang.
Pinaglampaso niya ako ng sahig kagabi lang! Ni hindi man lamang niya ako pinakain ng hapunan! Ilang araw na akong hindi kumakain! Puro lamang siya utos!
Matapos talaga ang ilang araw na pagkawala ni Mingming sa bahay na ito, halos . . . sa isang linggo ay ang pagkain ko'y singliit lamang ng maliit kong palad. Mabaho at mukhang panis pa.
"Aray ko!" pilit kong pinaghahampas si manang habang kinakaladkad ako nito papunta sa kung saan.
Ramdam kong hilang hila na ang buhok ko sa ginagawa niya. Nagluluha na rin ang mata ko sa hapdi noon.
"Bwisit kang bata ka!" muli niyang pinanggilan ang buhok ko. "Simula nang dumating ka sa ampunan na ito, iritang irita na talaga ako sa ugali mo!"
Pilit kong kinukurot ang balat niya kaya nabitawan niya ako ngunit huli na nang mapagtanto kung saan niya ako dinala. Sa pangalawang palapag ng ampunan. Tinulak niya ako papasok sa isang kuwarto na walang kalaman - laman at tanging maliit lang na bintana ang nagbibigay ng liwanag.
"Ayoko rito! Madilim dito!" nagpilit ako lumabas ngunit muli niya akong hinila papasok sa loob.
Isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa akin dahilan para mapalupagi ako sa sahig. Ramdam ko ang pagkirot ng ulo ko roon dahil sa sakit na iyon.
"Simula noong dumating ka rito kung ano - ano nang nangyayari sa ampunan na 'to! Nalulugi, naiiscam, nawawalan ng benta!" bawat sambit niya ng mga salitang iyon ay hinahampas niya ako ng pamaypay.
Tanging ang magagawa ko lamang ay humikbi at indain ang sakit dahil hindi na ako makalaban sa sakit ng anit ko. Pakiramdam ko ay magdurugo iyon at hilo na rin ako dahil sa pagsabunot sa akin.
"Simula ngayon, dito ka lang mag isa sa kuwartong ito. Lalabas ka lang kapag uutusan kita at kapag naghahanap ng mga aampunin," dinuro duro niya ang ulo ko na may pagtulak pa. "Aba, e. Baka nga wala pang umampon sa 'yo sa kademonyitahan mong 'yan!" Humalakhak siya.
Umiling ako at pinunasan ang luha ko.
"Babalikan ako ni Manong!" sigaw ko habang hindi magkamayaw sa pag iyak. "B-babalikan ako ni Manong at ni Mingming!"
Muli akong sumigaw nang sampalin niya ako na may halong panggigigil. Sinapo ko ang pisngi ko at dinama ang hapdi noon.
"Hindi ka nila babalikan!" Halakhak niya at hinawakan ang baba ko upang patingalain sa kaniya. "Sa Taal ka namin nadampot at ngayon nasa parte ka ng Mindanao. Sa tingin mo mahahanap ka pa ng walang kakuwenta - kwentang Manong na 'yan?!"
Tinawanan lamang niya ako nang tinanguhan ko siya. Saka niya lamang ako binatawan nang libutin niya ang tingin sa buong paligid ng kuwarto.
"Mabubulok ka sa pamamahay na 'to, naiintindihan mo? Pinandilatan niya ako. "Dito ka mamamatay sa pamamahay na ito dahil wala ni sino man ang aampon sa 'yo."
Umiling ako habang umiiyak.
Tumawa siya. "At kay Ate Ruby mo? Wala. Wala kang mapapala kay Ruby ngayon. Ako ang may kontrol sa mga tauhan ko kaya ako ang susundin nila. Kapag sinabi kong hindi ka niya pakakakainin ng dalawang linggo, hindi ka kakakain!"
YOU ARE READING
Barangay Series #3 : Calius Dashkov
FantasyBarangay Balagbag, Cuenca, Batangas. Completed Started : June 18, 2022 Ended : November 11, 2023