Kabanata 36

7.1K 391 108
                                    


Napagdesisyunan kong hindi pumasok sa school ngayong araw dahil sa binigyan ako ni Mccoy ng pera. Siguro naman, hindi niya malalaman na hindi ako pumasok.

Sakbit - sakbit ko ang color blue kong jansport bag. Inilagay ko iyon sa harap ko at nag-abang ng jeep dahil ayokong magpasundo kay Diego, malalaman niyang hindi ako pumasok.

Pero siguro . . . alam na niyang hindi ako pumasok kasi hindi ako umuwi nang maaga sa bahay. Kasi kadalasan kapag natutulog ako kay Mccoy, umuuwi ako nang maaga sa bahay upang maghanda sa pagpasok ko kinahapunan.

"Bayad po," inabot ko iyon sa isang babaeng pasahero. "Isa po 'yang Banaybanay."

Pupunta akong Jollibee para kumain. Alam kong pinagtitinginan ako sa pantulog kong damit pero wala na akong paki roon. Ang mahalaga, kakain ako mag - isa dahil may pera ako.

Pagkababa ko sa jeep ay agad akong kumaripas ng takbo papunta sa Jollibee.

"Good morning, ma'am."

Ngumiti ako sa guard at pumasok doon. Payapa naman akong naka-order at nagsimula nang kumain sa isang sulok.

Habang kumakain, bumagsak ang balikat ko nang matanaw ang mag - ama mula sa malayo.

It's Kuya Daddy with his son, Orpheus. Yeah, I know Orpheus. He is a 4 year old quadbrid, a full blooded powerful vampire. Ipinakilala siya sa akin ni Kuya Daddy noong binisita nila ako ni Mommy Hara sa mansyon.

I was shook seeing her beautiful face. Hindi na ako nakaimik sa ganda niya na tila hawig na hawig si Elatasia.

I am eleven years older than Orpheus.

Ibinaba ko ang kubyertos ko at tamad na tiningnan si Orpheus nang tumakbo siya palapit sa akin dahil nakita niya ako. Kuya Daddy seems shocked seeing me here, eating my lunch. I was supposedly in the school and starting my first subject.

"Hey!" Hinampas ko ang kamay niya nang makadampot siya ng fries sa plato ko at agad na sinubo iyon. "What the fuck, Orpheus?!" Gigil kong bulong.

Ngumisi siya at naupo sa harapan ko. I know Orpheus for his such manipulative attitude. Kaya niyang magpa-baby na mukhang inosente sa harap ni Mommy Hara pero sa amin niya inilalabas ang tunay niyang ugali.

Tuwing kami ang kaharap niya, he don't act like a 4 year old kid.

"Are you broken hearted today, junior highschool lover girl?" Pangaasar niya. "Is that why are you eating alone, campus girl crush?"

Umirap ako. "Tinatamad lang ako pumasok. Those bullies are making my day terrible."

Nagpalumbaba siya sa mesa at dumampot muli ng fries. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit ngumiti lamang siya na tila nangaasar.

"Why don't you just kill them? My father killed our maid because they are racist. They hate Paris so Daddy gave me their hearts! I planted them!"

Umawang ang labi ko. Iimik pa sana ako nang umimik na siya.

"But my mum doesn't even know about it even Paris. I was with Grandpa and Daddy when they did and then Grandpa told me I can also do it someday. Do you want me to do it to your bullies? I am so excited-"

"Don't kill people, Orpheus." Tamad kong wika habang kumakain.

I am already used to hear a lot of demonic things that the Dos Santiago's have done. They are known for being the most cruel vampire and alphas in the dark world. Diego also told me that Dos Santiagos are one of the end of many lower breed vampires. Wala silang patawad sa mga taong pinarurusahan nila. They are the living demons.

Barangay Series #3 : Calius DashkovWhere stories live. Discover now