"Nako, lagot ako sa tatay mo nito."
Humagikgik ako habang punong puno ng fries fries ang bibig. Masarap pala ang fries fries lalo na kapag sa gravy sinasawsaw. Kasi sa ketchup ko lang talaga sinasawsaw ito.
Hindi ko naman alam na may gravy pala . . .
"Diego, gusto ko akin 'yan," nginuso ko ang hawak niyang manok.
"Spicy chicken 'to!" wika niya. "Baka 'di mo makaya!" suminghab siya.
"Spicy?" binitawan ko ang isang fries na hawak ko. "Weh? Patikim nga . . ." tila ba hindi ako naniniwala na maanghang ito.
Naningkit ang mga mata ko. Baka binibiro lang niya ako. Ayaw lang niya ako bigyan ng fried chicken.
"Bahala ka, sabi ko sa 'yo maanghang 'to," wika niya ngunit inalalayan naman akong kumagat sa hawak niyang manok.
Nginuya - nguya ko iyon at nilasahan kung maanghang ba talaga ito. Nang matikman at maramdaman ang anghang nito ay lumunok ako.
"H-hindi naman maanghang," umiling ako at dumampot ng fries fries. Dinamihan ko na ang kuha para maibsan ang anghang. "Hindi naman!"
"Talaga?" kumunot ang noo niya.
"O-oo!" humigop ako sa gravy at umiling. "Lasang chicken lang naman!"
Kunot na kunot ang noo niya. Tila hindi makapinawalang hindi ako naanghangan sa manok. Lumunok muli ako ng laway nang maramdaman ang init nito sa bibig ko.
"Hindi ka naanghangan? Edi, kumuha ka. Oh, ito sa 'yo na lang itong isa tutal gusto mo-"
"Hindi na! A-ano busog pa ako! Fries fries tapos burger lang gusto ko," tinulak ko palayo sa akin ang manok na inabot niya.
"Huh? Sige . . . 'Wag na . . ." tila ba gulong - gulo siya sa aking ginawa.
Tumango ako habang kumakagat sa burger. Nanatili ang tingin niya sa akin, inaalok pa. Umiling ako at kabadong tumawa.
Maanghang pala talaga . . .
Nang matapos kami kumain ay tila hindi na pumasok sa isipan ko si papa. Naglaro kami ni Diego, nanood sa cellphone niya at nagusap hanggang sa antukin ako.
Tinabihan niya ako matulog kaya mahimbing ang tulog ko dahil may malaking tao akong kayakap. Doon lang kami nagkasundo.
Nang gumising naman ako at wala na akong katabi. Tirik na ang araw nang gumising ako. Bukas na ang mga bintana at natiklop na rin ang kumot na ginamit ni Diego.
Tanging unan ko na lamang ay ang baboy na stuffed toy ang nakakalat sa kama. Hindi naman ako nagkumot.
Bumangon na ako. Pinunasan ko ang laway na natuloy sa gilid ng pisngi ko ngunit alam kong hindi pa rin ito nawala ngunit wala naman akong paki. Patuloy pa rin ako naglakad palabas ng kuwarto.
"Good morning, bossing ko!" agad akong sinalubong ni Diego habang may hawak na sandok at tila nagluluto. Binuhat niya ako ay niyakap. "Tanghali na ikaw nagising, bossing! Gutom ka na?"
"Wala pa si papa?" nilingon ko ang paligid.
Nagtungo siya sa lutuan at pinahinaan ang apoy. Hindi ko alam ang tawag sa niluluto niya. Matapos niyang pahinaan iyon ay humakbang na siya tungo sa banyo.
"Nandiyan na. Lumabas lang at may bibilhin para sa 'yo."
Kumunot ang noo ko. Nang ibaba niya ako sa may banyo at pinatapak niya ako sa tungtungan upang maabot ko ang lababo.
YOU ARE READING
Barangay Series #3 : Calius Dashkov
FantasyBarangay Balagbag, Cuenca, Batangas. Completed Started : June 18, 2022 Ended : November 11, 2023