Kabanata 22

7.1K 413 56
                                    

"Amanda, nakikinig ka ba?"



Napabalik ako sa reyalidad at nilingon si Teacher Lilith. Saktong paguwi ko nga pala rito sa bahay ay dumating na si Teacher Lilith kaya naman sariwa pa sa isipan ko ang mga nangyari kanina.





"Ah . . . O-opo, teacher," umayos ako ng upo. "Sorry po, teacher. Nagugutom na po kasi ako."





Isa na rin siguro iyon sa dahilan kung bakit siguro ako lutang. Kanina kasi tinapay lang ang kinuha ko sa timba at dumaretsyo agad ako sa kapitbahay para maki-ligo.






"Ganoon ba . . . Naku, siguro hindi ka nagtanghalian dahil wala si Diego," aniya at tila nagaalala. "O siya, marami - rami na naman tayong natapos. Halika, pakakainin kita. Tara sa kusina."






Nagbigay ako ng tipid na ngiti at sumunod sa kaniya. Pinaupo niya ako sa upuan habang nagluluto siya. Napatitig ako sa kawalan at napaisip.






Paano kung makita ni Ara ang katawan ng papa niya? Baka matrauma siya. Sino na lang ang magaalaga sa kaniya dahil wala na siyang papa?





Nilaro ko ang daliri ko sa takot. Baka nakita ni Ara ang nangyari. Baka narinig din niya akong kinakausap ang sarili ko.




Kinagat ko ang ibabang labi ko at napahawak sa dibdib.




Mas malakas sila sa akin, itong mga nasa katawan ko. Kaya niyang kontrolin ang katawan at isipan ko miski pati ang kakayahan na hindi ko man lamang alam kung paano gamitin.





Baka dumating ang araw, sila na ang tuluyang makakontrol ng katawan ko at makagawa nang kung anu-ano.





"Amanda, uminom ka muna ng gatas."





"Thank you po, Teacher Lilith," mahina kong wika at agad na himigop doon.





Tumango siya at ngumiti sa akin. May hawak siyang spatula at handa talagang ipagluto ako kahit nagaaral pa kami at maraming kailangan habulin.





Matapos ay kumain kaming dalawa. Inanyayahan ko na rin siya dahil hindi ko naman mauubos lahat nang iyon. At alam kong pagod din siya.





Siya rin ang naghugas ng mga plato. At habang nagtutuyo siya ng mga plato't nagkukwentuhan kami ay biglang dumating si papa.






Hindi ko siya sinalubong ng yakap. Imbis na matuwa ay mabilis akong kinabahan. Paano ako haharap sa kaniyang ganoong nakapatay ako ngayong araw na ito?





"Calius!" Nakangiting nakipagbeso si Teacher Lilith sa kaniyang pinsan. "You came home late today. Bakit walang kasama si Amanda rito pagdaing ko sa mansyon?"




Agad na kumunot ang noo ni papa bago ipinatong ang helmet niya sa isang tabi.





"Walang kasama?" Tanong niya habang nagtatanggal ng gloves at tiningnan ako. "Anak, nasaan si Diego? Iniwan ka?"




"A-ano . . ." Ramdam ko pa rin ang nginig ng mga daliri ko. "Umalis."





Dumaan ang tingin niya sa daliri ko na nilalaro ang dulo ng damit ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at yumuko para tingnan ang tsinelas ko kunwari.





"He must've called me so that I can came home early for you," wika niya. "Anyways, Lilith. May mga pulis sa labas. Doon sa kapitbahay, anong mayroon?"





Barangay Series #3 : Calius DashkovWhere stories live. Discover now