Kabanata 12

8.5K 492 64
                                    

Amanda

****

"Magagandang damit?"

Ngumuso ako habang nililibot ang tingin sa paligid ng kuwarto. Si Diego lamang ang kasama ko simula noong magising ako sa magandang kuwartong ito. May suot na magandang damit.

Ang laki ng kuwarto, malinis ngunit kakaunti lang laman.

"Oo, dadami pa ang magagandang damit mo," marahang sabi ni Diego habang nagtitimpla ng gatas sa maliit na mesa roon.

Lalong kumunot ang noo ko. Ang mesang iyon ay para lamang sa kagaya ko na maliit at bata pa ngunit talagang siniksik niya ang puwet niya roon para magkasya siya.

"P-para sa'kin ba 'yan?" tanong ko at lumapit sa kaniya. Naupo ako sa tapat niya at mistulang naglalaro lamang.

Tinulak niya iyon palapit sa'kin. "Oo, ubusin mo bago tayo lumabas dito."

Tinitigan ko ang gatas habang nilalaro ang daliri sa ilalim ng mesa.

"Oh, bakit ayaw mong inumin?"

Nilingon ko ang pintuan at tumingin sa kaniya.

"Si manong, nasaan si manong?" mahina kong tanong at yumuko. "Niloko niyo lang ata ako . . . Hindi ko na ulit makikita si manong."

Matapos niya makipagtitigan sa akin ay kinamot niya ang kaniyang kilay. Tumayo at pahirapan pang tanggalin ang upuang plastik sa kaniyang puwet bago tuluyang makalapit sa akin at pinantayan ako.

"Si manong mo, naliligo lang 'yon," aniya at kinuha ang gatas. "Pagkatapos mong maubos 'tong gatas, lalabas na tayo tapos pupuntahan natin si manong. Okay?"

Naningkit ang mga mata ko at umiling nang marahas.

"Ayoko. Baka may lason," pailing iling kong sabi at nagiwas ng tingin.

Tauhan siya ni Manang Pokwang, sigurado akong niloloko lang niya ako. Kunwari lang na nakalabas na kami ng ampunan pero ikukulong din niya ako matapos ko ubusin ang gatas.

Ramdam kong marahan niyang hinawakan ang aking braso ngunit nanatili akong nakaiwas ng tingin. Lalabanan ko siya!

"Ayoko sa 'yo!" marahas ko siyang hinampas at nagpupumiglas dahilan para matapon ang gatas sa sahig at mabasag ang baso.

Agad na namutla ang mukha ko nang makitang nagkapira-piraso ang baso sa sahig. Sunod na dumapo ang tingin ko kay Diego na pinasasadahan ng tingin ang sahig.

Pinisil ko ang mga daliri ko habang nakatingin doon. Takot at hindi alam kung anong sasabihin kaya't agad na nanubig ang mga mata ko.

Paniguradong pagagalitan niya ako . . .

"Naku, nabasag. O siya, sa kama ka muna para malinis ko ito-" natigilan siya nang magtama ang tingin namin. "Oh, bakit ka umiiyak?" tanong niya at marahan akong binuhat.

Ramdam ko ang panginginig ng labi ko, nagpipigil gumawa ng ingay. Ngayon lamang ako nakabasag ng baso na may lamang gatas. Natatakot ako na baka mapagalitan ako at maging dahilan ito upang ikulong ulit ako.

Nang mailapag niya ako sa kama ay nanahimik pa siya ng ilang segundo bago siya umimik habang inaayos ang buhok ko at pinupunasan ang pisngi ko.

"Amanda, hindi ako galit," kalmado niyang sabi.

"N-nabasag ko yung baso . . . M-magagalit ka, galit ka, eh," humihikbi kong sabi.

Kung kanina ay nagmamatigas pa ako sa kaniya at ayaw ko siyang hawakan ay ngayon halos bumaon na ang kuko ko sa braso niya sa kakaiyak sa takot habang nakatingala sa kaniya.

Barangay Series #3 : Calius DashkovWhere stories live. Discover now