Kabanata 9

8K 534 91
                                    

Diego Montemayor

****

Chewing a gumball peacefully while staring at Taal view. Dang . . . this will always be my favorite.

"Bullshit," I cursed as my phone rang.

Timothy 😍✌️

I bit my inner cheeks and laughed after seeing his name on my phone. Timothy hated me since he saw this. Well, I just did this cringe thing so I could piss him.

You know I love pissing off people around me.

"Heyyy, daddy," I teased after I answered his call. "Watcha want-"

"Isarado mo na ang tindahan, pumunta ka rito sa Dita," mabilis niyang sabi. "Magbaon ka ng maraming gamit mo-"

"Are we going on vacation?" I cutted. "Oh, God, my honor, this is the first time you invited me for a vacation. Dang, I love you so much-"

"Bitch, no. You're going to Mindanao for a mission," then he dropped the call. Leaving me with a faded smile.

Kumunot ang noo ko at tiningnan ang telepono ko. Mission? It's been a long time since I've been in a mission. Ano kayang meron? Ang layo naman, Mindanao?

Ngumuso ako at kinamot ang kilay. Napagdesisyunan ko na lamang na isara ang tindahan at magtungo sa Alphadous upang kumuha ng mga gamit.

"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Damon, kaibigan ko na isa ring kaibigan ni Timothy noon pa man.

"Hindi ko alam, e," I shook my head as a I shrugged. "Pinapupunta ako ni Timothy sa Dita, mukhang may iuuutos. Mission daw, e."

Tumango siya at binuga ang usok ng sigarilyo.

"Mag iingat ka, dalhin mo ang aking basbas sa 'yong misyon," imik niya sa katahimikan na kapaligiran.

Natigilan ako at tumango sa kaniya. Si Damon ay may ilang taong agwat sa akin. Halos kaedaran niya rin si Timothy. Ako ang pinakabata sa aming tatlo.

"Ang mga taong bayan, ha?" bilin ko. "Matagal - tagal nang hindi nakakabisita rito ang mag - ama. Bantayan mo muna sila."

Nilingon niya ako, "hindi ko kailan man pinabayaan ang ating bayan, hunghang ka ba?"

Tumawa ako. "Nagbibilin lang, ngayon lang ulit ako makakasabak sa isang misyon, e."

Aaminin kong wala akong sapat na lakas upang protektahan ang sarili ko kahit sa mga tao. Hindi ako purong lubo. Isa akong anak ng isang mababang katulong sa isang kawal na taong lobo. Mahirap man magpanggap na malakas, wala akong magagawa kundi umakto para lang sa kaligtasan ko.

Sa totoo lang ay duwag ako. Marami akong kinatatakutan. Hindi ako kagaya nila Evan, Timothy at Calius. Isa akong mahinang lobo.

Hanggang sa pagmamaneho papunta sa Dita ay wala ako sa wisyo. Tuwing naaalala ko kung anong dugo ang dumadaloy sa aking katawan ay pinanghihinaan ako ng loob.

Ni-hindi ko man lamang maipagkaila na ako ay isang mababang uri ng lobo. Nakapangliliit.

Pagbaba ng kotse, tinitigan ko ang magandang bahay na nasa harapan ko. Ito ang tahanan ng mga Dashkov, De Lucas at Dos Santiago. Dito na sila nagsama - sama dahil iyon naman talaga ang gusto nila.

Sa pagkakaalam ko, palalakihin pa ito dahil nasa ibang bansa pa ang pamilya Dashkov. Doon nag aaral ang dalawa nilang anak na si Calius at Sancho.

"Tao po!" sigaw ko mula sa labas ng gate.

Barangay Series #3 : Calius DashkovWhere stories live. Discover now