Kabanata 29

7.2K 434 121
                                    

"Nakasagot ako sa tanong ni ma'am!"

"Talaga? Galing mo naman!" Wika ni Diego habang patungo kami sa kotse.


Ngumisi ako habang sakbit - sakbit ang bag ko. Sinundo nila ako ni Papa. Si Diego lamang ang bumaba ng kotse para sunduin ako hanang si Papa naman ay naroon sa kotse, inaabangan kami.



"Syempre, ako pa?" Hindi ko na sinabing sinagutan ni Shiela ang papel ko dahil baka pagalitan lang ako.



Bumitaw ako kay Diego at mabilis na tinakbo ang distansya namin ng kotse. Binuksan ni Diego ang pintuan at saka ako sumakay.



"Papa!"



Inabot ko siya para halikan sa pisngi. Hinalikan niya ang noo ko at ngumiti.



"How's school, baby?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa akin. "Ang gulo na ng buhok mo, para kang batang pinabayaan."




Natawa ako. "Wala kasing aircon sa school." Ngumuso ako.




Napahalakhak si Diego sa narinig.




"Mahirap siguro may ari," wika ni Diego. "Gusto mo ba may aircon?"




Ngumuso ako. "Oo. May electric fan pero hindi naman umiikot. Kay ma'am lang nakatutok. Madaya."




"Hayaan mo, magdo-donate ang papa mo ng aircon para sa 'yo!" Humalakhak si Diego. "Joke lang. Ganiyan talaga sa mga public schools. Pero may public school na may aircon. Dito wala."





Ngumuso ako at nilingon si Papa. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin at tila kanina pa nakikinig.



"It's nice to see you experience all of that, baby." Inabot niya ang kamay ko at hinalikan iyon. "Let's go to the mall for your ice cream?"




Nagliwanag ang mga mata ko at sunod - sunod na tumango. Buong byahe tuloy ay hindi ako mapakali. Dahil sigurado akong hindi lang ice cream ang idadayo namin sa mall kundi laruan ko rin! P'wede akong magpabili kay Papa!




Pagbaba ay dali- dali akong humawak sa kamay ni Papa. Yumuko siya para isuot sa akin ang itim na salamin na kapareho ng suot niya.




"May dala ka?" Rinig kong tanong ni Diego.




Nilingon siya ni Papa at simpleng tumango. "I have guards around us. Pinatitingnan ko ang palibot."




Nilingon ko ang paligid. Maraming tao at hindi sila lahat pamilyar sa akin. May pamilya, may mga magkakasintahan, at may mga mag - isa lamang. Hindi ko na alam kung sino bang guards ang tinutukoy ni papa dahil sa dami ng mga tao. Marahil ay inutusan niya ito upang mabantayan kami laban sa mga kaaway nito.




"Papa, alam mo ba yung mga kaklase ko hinahatid ng mama at papa nila sa room namin?" Tanong ko. "Bakit ikaw, hindi? Nakakapunta nga tayo rito sa mall."




"May halimaw kasi sa school niyo," rinig kong pabulong na sabat ni Diego na agad siniko ni Papa. "Ouch!"




Tiningala ko si Papa. Nilingon niya ako at tinapik - tapik ang ulo ko.




"May rason si Papa, anak. Kaunting tiis na lang, ihahatid na kita sa room mo. Lilinisin ko lang ang mga plano ko," ngumiti siya.




Tumango ako at malungkot na tinanggap ang ice cream. Halos buong panggagala namin sa mall ay nakabusangot ang mukha ko at wala akong gana magpabili.




Barangay Series #3 : Calius DashkovWhere stories live. Discover now