"Ang sisiw ko!"
Mabilis kong tinakbo ang distansya namin ni Paopao, ang sisiw ko na nawalan na ng kulay. Nawala na 'yong isa kong sisiw . . . nagising ako, wala na s'ya sa tabi ko kaya si Paopao na lang ang natira.
Peke naman 'yong magtitinda! Nawala ang kulay ni Paopao! Naging color yellow na lang s'ya!
Niyakap ko ang sisiw at nilingon ang paligid. Inayos ko ang buhok ko at naupo sa isang tabi. Tiningnan ko ang maliit ko na palad na may lamang trenta pesos. Ito lang ang benta ko sa pagbebenta ng sampaguita.
"Ang init, Paopao," reklamo ko.
Palaboy at wala na akong tirahan. May mga madre na kumupkop sa akin ngunit pinalayas ako sa kumbento dahil sa hindi malamang dahilan . . .
Sila ang nagbigay ng pangalan ko ngunit wala nang karugtong pa. Hindi ko alam kung sinong mga magulang ko at kung ano ba ako ngunit ang alam ko lang, maganda ako.
"Gutom ka na ba, Paopao?" tanong ko at hinaplos siya.
Hihi, ang liit niya.
Kanina pa ako naglalakad at naghahanap ng puno upang makita ko ang hinahanap ko ngunit wala akong makita ni-isa. Tanging matatayog lamang na gusali, bahay at kung ano ano pa ang nakikita ko.
Tumayo ako at muling naglakad habang hawak si Paopao. Tumitingin din ako ng mga pagkain na lako para may makain kami ni Paopao.
"M-magkano 'yan?" tanong ko sa babaeng may hawak na bilao. "Ano 'yan?"
Kumunot ang noo niya at tiningnan ang kabubuan ko. Hindi siya umimik at humakbang palayo sa akin na parang nandidiri.
Nag usok ang ilong ko sa galit, "hindi naman masarap 'yan!"
Dahil sa sigaw ko ay nilingon ako ng matandang babae. Nanlilisik ang mata nito sa akin at nag uusok na rin ang ilong.
"Hindi ako nagbebenta sa palaboy na kagaya mo, bata. Malas kayo sa aming hanap buhay," aniya.
Kinuyom ko ang kamao ko at niyakap si Paopao gamit ang isang kamay. Natuon ang pansin ko sa bilao niya.
"Mas malas ka!" sigaw ko, "wala ka pa ngang benta!"
"Aba, bwisit na bata 'to," ibinaba niya ang kaniyang bilao sa isang tabi at hinablot ang braso ko.
Hindi ako nagpatinag at nakipaglaban ng matalim na tingin sa kaniya.
"Asta mayaman ka naman," singhal ko. "Ang pangit pangit mo naman! 'Yang labi mo, lubak lubak na dahil sa peke mong lipstick!"
Suminghab ako nang bitawan niya ako at akmang sasampalin nang may pumigil sa kamay niya. Maganda ang suot ng babae na iyon. Nakaputing dress na umabot hanggang paa niya at may kapang kulay itim sa ibabaw.
Nanlaki ang mga mata ng babaeng tindera at inagaw ang kamay sa babae. Pilit kong hinahalagilap ang mukha ng babae ngunit hindi ko makita.
"Get out," bulong ng babae.
Pinandilatan ko ang tindera at hinawi ang buhok ko habang may ngiti sa labi. Oh, 'di ba? Ang astig kahit hindi ko maintindihan.
Lumunok ang tindera at nag iwas ng tingin sa akin. Kinuha niya ang kaniyang bilao at agad na naglakad paalis.
Nang harapin ako ng babaeng nagligtas sa akin ay nanlaki ang mga mata ko sa tuwa at agad na nagpabuhat sa kaniya sa tuwa.
"Elatasia!" niyakap ko siya nang mahigpit, "namiss kita!"
YOU ARE READING
Barangay Series #3 : Calius Dashkov
FantasiaBarangay Balagbag, Cuenca, Batangas. Completed Started : June 18, 2022 Ended : November 11, 2023