Amanda
****
Nagpatuloy ang pagmamaltrato sa akin ni Manang Pokwang simula noong araw na iyon.
Ni hindi ko na rin puwedeng makita si Ate Ruby at ilang mga bata. Kapag uutusan ako, dito lamang sa pangalawang palapag kung saan natutulog si manang at ang ilang tauhan.
Si Paopao, hindi ko na rin makita. Hindi ko na alam kung nasaan siya. Sana kung nasaan man siya, ligtas at hindi siya napakailaman ng mga tao rito.
At kung makakakain man ako ay minsanan lamang. Nagpapasalamat ako na kahit nangangayayat na ako ay hindi pa sumusuko ang katawan ko sa labis na pagkagutom.
Nilaro ko ang mga daliri ko at ngumuso. Si Elatasia, hindi na bumalik o nagpakita man sa akin tuwing tinatawag ko siya pero umaasa pa rin ako na balang araw, magkikita ulit kami kapag nakatakas ako rito.
"Hoy, labas. Maglilinis," bungad ni Manang Pokwang matapos makapasok sa madilim kong kuwarto.
Dumaan ang ilang araw, linggo, buwan at taon na narito ako sa impyerno na ito. Nagkakaroon ng pagkain ngunit kung minsan ay tira tira lamang nila. Kahit papaano, dahil sa mga tira tira na iyon ay nabubusog ako.
Hindi ako makapaniwala. Paano ko magawang mabusog sa pagkain na mukhang pagkain ng aso?
Ganoon lamang palagi ang nangyayari. Sa apat na taon kong pagtira sa ampunan na ito, pahirap nang pahirap ang nararanasan ko. Imbis na matuto ako lumaban, mas natututo lamang ako panghinaan ng loob at mawalan ng pag asa.
Lahat ng taong inasahan kong bumalik ay hindi na kailan man nagbalik pa.
Ni hindi man lamang ako natuto magbasa at magsulat. Nakarating ako sa edad na sampu na para bang . . . edad anim na taong gulang pa lamang. Kagaya pa rin ng Amanda na katulad noon. Walang pinagbago. Mangmang pa rin.
Natutunan ko lamang sa ampunan na ito ay maglinis, kumain ng maruruming pagkain at magsayang ng luha.
Tuwing ihahain ako para sa isang matanda, palagi na lamang ako nakapapatay. Hindi ko na kilala ang sarili ko dahil sa dami ng mga napatay ko. Tao pa ba ako o hindi naman talaga ako tao dahil iyon ang nararamdaman ko?
Apat na taon. Apat na taon akong narito lamang sa pangalawang palapag ng bahay. Ang sabi sa akin ng isang tauhan na madalas magpakain sa akin ay . . .
"Alam mo kung ka pinatagal dito ni Manang Pokwang?" tanong ng lalaki matapos ilapag ang plato sa harapan ko at isang baso ng tubig.
Agad kong nilantakan iyon at hinayaan siyang magsalita. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.
"Ikaw ang pimakamabentang bata rito sa ampunan. Kahit pasa pasa pa 'yang katawan mo, marami pa ring lalaki ang nagkakandarapa para matikman ka," mahina niyang sabi.
Uminom ako ng tubig at tiningnan siya gamit ang matalim kong tingin.
"Napapatay ko naman silang lahat."
Tinanguhan niya ako. "Oo nga. Pero kumikita pa rin si Manang Powkang dun. Pay first ang kalakaran sa ampunan na 'to. Bago ka makita ng mga lalaking 'yon, nakapagbayad na sila kay manang kaya kahit mapatay mo sila ay walang paki si Manang Pokwang."
Natigilan ako at dahan dahang tiningnan ang plato ko. Kaya pala pintagal pa ako sa impyerno na 'to. Nagagamit pa nila ako para magkaroon ng pera . . .
YOU ARE READING
Barangay Series #3 : Calius Dashkov
FantasyBarangay Balagbag, Cuenca, Batangas. Completed Started : June 18, 2022 Ended : November 11, 2023