Amanda
***
"Pumasok ka sa loob!"
Umiling ako at pinasadahan ang lumang bahay na may pangalawang palapag. Gawa lamang ito sa kahoy at nakatayo sa liblib na lugar ng kagubatan.
"Ayoko, Ate. Ang pangit ng bahay," sabi ko habang seryosong nakatingin sa kaniya. "May van kayo pero ang pangit ng bahay niyo?"
"Aba, lintik na bata 'to nagreklamo pa," lumapit sa akin ang lalaki at dinuro ang noo ko. "Kinidnap ka, bata. Hindi ka patitirahin sa mansyon!"
Lumabi ako at nag iwas ng tingin sa kaniya. Tiningnan ko ang mga bata sa labas ng bahay. Wala ni-isang ngiti sa mga labi nila habang naglilinis.
"Aray ko!" pag angal ko nang kaladkrin ako ng lalaki papasok sa bahay.
Pinagtitinginan na ako ng mga bata ngunit hindi ako nagpatinag. Kahit si Paopao ay umiiyak na rin dahil bahagyang humigpit ang hawak ko sa kaniya.
"Manang Pokwang!" sigaw ni Ate. "May bago kaming batang nakuha, maputi at makinis!"
Nanlaki ang butas ng ilong ko. Si Manang Pokwang, nakabistida na mahaba, may hawak na pamaypay at may nunal na malaki sa itaas ng labi. May sout din siyang salamin at mataray ang tingin sa akin.
Ang dalawang batang kasama ko, kinaladkad papunta sa isang direksyon.
Hinakawan ng matanda ang baba ko at tiningnan ang kabuuan ko.
"Gusto ko ang bata na 'to, mukhang foorie nyir," pinaypayan niya ang sarili niya.
Kumunot ang noo ni Ate. "Foorie nyir? Ano 'yon, Manang Pokwang?"
Nilingon siya ni Manang Pokwang at pinagtaasan ng kilay.
"Yung mga dayo na galing sa ibang bansa, huwag bobo, Ruby."
Muli akong tiningnan ng matanda. Tiningnan niya ang hawak kong sisiw at pinagtaasan pa ako ng kilay.
"Isama mo 'to sa mga batang may magandang balat. Paliguan ninyo lang at palitan ng damit bago pagawain ng trabaho. Siguradong pag aagawan 'yan ng mga kliyente," sabi ni Manang Pokwang at umalis sa harapan namin.
Tiningnan ko ang damit ko. Malinis naman ako, damit ko lang naman ang madumi. Palagi ako naghihilamos kapag may nakikita akong tubig.
Basta lamang ako hinila ni Ate Ruby sa isang kuwarto. Bumungad sa akin ang isang bata na nakupo sa sulok ng kuwarto, pula ang kulay ng buhok at pula rin ang mga mata. Maputi siya at maganda. Nag iwas siya ng tingin sa akin at halatang galit.
Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Natuto na ako sa mga kulay kahit papaano dahil kay Manong ngunit hindi pa rin ako maalam magbilang at mag basa.
"Maghubad ka," utos ni Ate Ruby.
Tiningnan ko ang batya na may lamang tubig at sabon na maliit sa isang tabi. May panghilod din na bato.
"Ayoko, Ate. Makikita mo pepe ko," nag iwas ako ng tingin.
"Hayaan mo na! Wala pa namang buhok ang pepe mo!" inis niyang sabi. "Huwag ka maarte, masasaktan ka lang. Maliligo ka lang naman."
Ngumuso ako at hinayaan siyang tanggalin ang saplot ko habang yakap yakap ko si Paopao. Tinanggal niya rin ang puyod ko at inilagay iyon sa pulsuhan ko.
YOU ARE READING
Barangay Series #3 : Calius Dashkov
FantasyBarangay Balagbag, Cuenca, Batangas. Completed Started : June 18, 2022 Ended : November 11, 2023