Kabanata 33

6.9K 391 39
                                    

"Papa, malungkot ako."


Ngumuso ako habang nakasandal sa dibdib ni Papa. Narito kami ngayon sa kaniyang opisina sa mansyon namin, pinuntahan ko siya rito pagkagising ko pa lamang.




"Papa?" Nilingon ko siya dahil sa pagiging tahimik niya.




Kumunot ang noo ko nang makitang tila wala ito sa sarili at nakatitig sa kawalan. Nang mapansin niya ang tingin ko ay napaayos siya ng upo at inayos ang pagkakandong ko sa kaniya.




"Y-yes? Sorry, love. What? Can you come again?"




Lalong kumunot ang noo ko. Marahang lumapat ang maliit kong kamay sa ilalim ng kaniyang mata at pinasadahan ng haplos ang eyebags niya na maliit lamang ngunit kapansin - pansin.




Natawa siya nang kaunti at hinalikan ang noo ko.




"Pagod ka sa work, Papa?" Tanong ko. "P'wede namang matulog ka muna bago tayo maghintay ng taho, eh."




"No, love. Wala nang taho mamaya. Hihintayin natin si Manong Jomar na kumatok dito sa bahay, okay?" Inayos niya ang buhok ko. "What did you say again? That one . . . earlier before . . . uh . . . something like . . I don't know. What is it again? What are you talking about a while ago?"





"Sabi ko malungkot ako," ngumuso ako.





Napaayos siya ng upo nang marinig ang sinabi ko. Kumunot ang noo niya.



"Why?"




Nilingon ko siya. "Kasi nagkuhanan ng card kanina tapos hindi ko alam."




Bahagyang lumaki ang mga mata niya at hinawakan ang magkabilang braso ko.




"Anak, ano ulit?" Gulat niyang tanong at mariing pumikit bago bumuntong hininga upang pakalmahin ang sarili. "Did you just forgot to tell us that yesterday was your card should day?"




"Hindi ko alam na card showing!" Pinandilatan ko siya ng mga mata.





Mangha siyang natawa.





"And all your classmates know? All of them? Tell me, Amanda. What on earth are you doing inside your classroom?! How didn't you know about your card showing the day?!" Taranta niyang tanong.




Lalong naginit ang dugo ko kahit na napapraning na siya. Nadagdagan ang inis ko dahil hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya ngunit kakaunti lamang.





Hinampas ko ang braso niya.




"Sabing hindi ko alam, eh!"




"Paano ko makikita ang grades mo? Biyernes kahapon. Sa Lunes pa?"




"Ewan ko," kunot na kunot kong sabi.




"You're . . . unbelievable," napahawak siya sa kaniyang sentido.




Ngumuso ako. Matapos ang ilang minuto niyang pagpapakalma sa sarili ay umimik muli siya.




"And now, that's the reason why are you sad?" Kalmado niyang tanong.



Umiling ako nang ilang beses.




"Ano?" Tanong niya.



Kinagat ko ang ibabang labi ko.





Barangay Series #3 : Calius DashkovWhere stories live. Discover now