Kabanata 31

6.9K 363 33
                                    

Trigger Warning : Use of a gun and vulgar words.

Calius POV


I shook my head and hugged her. As I embraced her, I felt my chest get wet from her tears.

"Papa, natatakot ako," she sobbed.

My heart immediately ragged after hearing those words from her. Tila nanlambot ang buo kong katawan. Ang tinig niya na may pinaghalong takot at sakit.

"N-nakita ko . . . Nakita ko nakaraan mo," tila natatakot niyang wika. "Si Carmela, nakain kayo. Kumakain kayo tapos tinawag ka niyang . . . k-kuya. Tapos may dumating na babae . . . mama mo yun." Tiningala niya ako at hinawakan ang pisngi ko.

I nodded my head gently, trying hard not to cry while looking at her. I know how hard it is for her to see those scenes by just holding my hands knowing that she looks exactly the same as the kid she saw from my past.

"Abilidad ni Carmela na makakita ng nakaraan, anak," I whispered. "How do you get it from her? Hmm?"

Doubting and scared. As a father, I'm confused and scared about my daughter's condition. Seeing her struggling on fitting in herself on my life that is actually connected to hers coincidentally.

How?

"Ako si Carmela," napayuko siya at nilaro ang mga daliri sa kamay. I smiled a bit, look how cute her fingers is . . . She's really adorable. "Totoo nga siguro, ako si —"

"Stop," I closed my eyes tightly and sighs. "Stop pushing yourself to be that person. You are Amanda until we don't know the truth. Okay?" I looked at her and caressed her cheeks.

Dumaan ang kaguluhan sa mga mata niya. Alam kong hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi ko kaya't ngumiti ako nang tipid sa kaniya.

"Gagawa si Papa ng paraan para malaman ang katotohanan," bulong ko. "Hindi ko kayang makitang naghihirap ka dahil hindi mo kilala ang sarili mo. Tutulungan kitang kilalanin kung sino ka talaga, hm? Kaya nga kita inampon. Para maging anak ko."

Muling nanubig ang mga mata niya kaya't natawa ako. Mabilis siyang yumakap sa akin.

"Paano kung ako si Carmela?" Muli siyang pumalatak ng iyak. "Nasaan ba kasi si Carmela?"

Pinagdikit ko ang labi ko at hinaplos nang marahan ang kaniyang likuran. It  tooks a minute for me to answer her, thinking if I needed to tell her the truth.

Maybe she really needs to. So that she could at least adjust a bit.  Hindi na siya magugulat kapag nalaman niyang patay na ang tinutukoy na Carmela.

Mas makabubuti kung alam na niya kaysa malalaman niyang tinago ko sa kaniya ang katotohanan na lalong magpapagulo sa kaniyang isipan.

"Wala na si Carmela, anak," marahan kong wika.

"H-huh?" Tumingin siya sa akin at pinunasan ang kaniyang ilong na namumula. "A-ano?"

Hinaplos ko ang buhok niya, iniiwasang mapatingin sa mga mata niya upang hindi sana mabasag ang tinig at maiyak dahil sensitibo ako kapag si Carmela ang usapan ngunit hindi ko na napigilan.

"Patay na siya," mabilis na nanubig ang mga mata ko. "Ma . . . Matagal na siyang patay. Nung baby pa lang siya. Like you, anak. Ganiyan siya kaliit nung namatay siya."

Mariin akong napapikit nang makitang tiningnan niya ang kaniyang sarili nang may takot sa mga mata. She looks at her small bare hands and caressed her hair while looking at it.

Barangay Series #3 : Calius DashkovWhere stories live. Discover now