"Amanda, 'wag ka malikot."
"Pero, papa! Kailangan ko magdala ng maraming laruan! Para may lalaruan kami ni Mingming!" Excited kong wika sa kaniya.
Bumuntong hininga si papa, hirap na hirap nang ayusan ako ng buhok. Hindi pa rin ako nakakapagsapatos dahil excited na akong makita si Mingming.
"Huwag ka munang malikot para matapos na tayo. Mamaya makikita mo na ang kaibigan mo," pagod niyang wika. "Anak, dali na. Tingnan mo itsura mo, parang kinaykay ng manok 'yang buhok mo."
Ngusong - nguso ako nang maupo ako sa dulo ng kama habang hawak - hawak pa rin ang maliit na baboy kong bag. Pilit ko roon pinagkakasya ang mga laruan ko na gusto dalhin para maipakita kay Mingming.
Nang matapos akong puyuran ni papa ay akmang tatakbo na ako papunta muli sa mga laruan ko nang buhatin na ako ni papa.
"Papa-"
"Wala ka pang shoes!" Medyo galit na tono ni papa. "Ang kulit - kulit mo. Nagugulo tuloy damit mo sa bawat kilos mo. Mamaya na ang toys!"
Lumabi muli ako at bumuntong hininga bago sinunod si papa. Siya ang pumili ng sapatos ko na susuotin at siya rin ang nagsuot sa akin. Tiningnan ko siya nang matapos niya ako sintasan.
"Huwag mo akong tingnan nang gan'yan. Hindi mo ako madadala d'yan," wika ni papa at umiling. "Tama na 'yang laruan na nasa bag mo. It's already full na, anak."
"Pero, p'wede mo naman ako pahiramin ng mas malaki na bag para makadala ako nang sobrang - sobrang dami na laruan!" Wika ko sa kaniya.
"Isa," banta niya.
Bumuntong hininga ako at tingnan ang maliit kong bag. Kainis naman. Paano ko na lang mapapakita kay Mingming yung malaki kong mga laruan? Yung robot na kasing tangkad ko? Paano na?
Kanina
"Hello, madlang people!" Pumasok si Diego sa kwarto. "Oh, tapos na ba kayo? Tara na sa kotse! Mata-traffic pa tayo kapag nagtagal tayo rito!"
Nakita kong sinakbit na ni papa ang bag na color black kung saan nakalagay ang mga damit ko at pagkain ko na babaunin. Dalawang araw raw kami kina Mingming!
Kasi si papa, may trabaho rin daw siya doon kina Mingming kaya doon muna ako para makapaglaro ako. Sa wakas naman, wala na akong tutor.
Sa susunod na ulit ako matu-tutor kapag nakauwi na kami.
"Papa, taga saan ba sina Mingming?" Tanong ko habang kinakarga nila sa sasakyan ang mga dadalhin namin.
Nakasalamin si papa na black at nakasumbrero rin. Para siyang artista at mukhang ayaw niyang makilala ng mga tao.
Bahagya akong nagulat nang suotan ako ni Diego ng sumbrero.
"Kapag may nagtanong sa 'yo sa airport kung kanino kang anak, sabihin mo anak ka ng tatay mo, ha?" Bulong niya. "Bawal sabihin na anak ka ni Calius Dashkov, ha? Baka pagkaguluhan tayo."
Kumunot ang noo ko.
"Bakit naman? Artista ba papa ko?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.
Ngumiti si Diego at saka inayos ang sumbrero ko. Naramdaman ko ang pagtapik - tapik ni papa sa balikat ko habang nakatingin ako kay Diego.
"Mas sikat pa 'yan sa artista," bulong niya.
Kumunot ang noo ko at umirap. Pinagkrus ko ang braso ko sa dibdib ko. Akala naman niya maniniwala ako dun. Siguradong may sikreto si papa ko.
YOU ARE READING
Barangay Series #3 : Calius Dashkov
FantasyBarangay Balagbag, Cuenca, Batangas. Completed Started : June 18, 2022 Ended : November 11, 2023