CHAPTER 19

711 14 5
                                    

INVESTIGATION 2

One week. Ganoon na katagal akong bumubuntot at nagmamasid kay Rossauro Montelebano suot ang iba't-ibang disguise at gamit ang iba't-ibang sasakyan na nirerentahan ko lang sa isang rent-a-car service bilang pag-iingat sa aking pagmamatyag. At sa loob ng mga araw na iyon ay isang beses at sandali lamang siyang pumasok sa gusali ng Montelebano Construction Company.

Mas madalas siyang may ka meeting sa iba't-ibang high-end restaurants na mga mukhang malalaking tao at mas babad siya sa disco bar kung saan siya madalas inuumaga. At sa bawat lakad niya ay may dala siyang hindi bababa sa limang bodyguards na armado ng matataas na kalibre ng baril.

Napansin ko rin na malayang nakakagala at labas-masok ang kanyang mga tauhan sa mga pang-publiko at pribadong mga gusali ng hindi man lang sinisita ang dala nilang mga ramas. No wonder, all cases filed against him were dismissed because of obvious reasons, power and connection.

Hindi nakakapagtaka dahil nakakalula ang laman ng iba't-ibang bank accounts niya not to mention his dollar accounts that I'd opened. And with that amount of money, he can lure and pay anyone that goes against him kaya ganoon na lamang ang lakas ng loob niyang gumawa ng mga bagay kahit pa siguro illegal ang mga ito.

It's also obvious that Montelebano Construction Company is just a front to whatever bigger business he has. I doubt kung alam ba talaga niya kung paano patakbuhin ang isang Construction Company dahil hindi naman siya naglalagi doon.

What puzzles me is his reason and motive if ever he really is the mastermind of my Kuya's assault. Masyadong mababaw ang rason na natalo lang siya sa isang bidding kaya niya ipinabaril si Kuya.

The Mondragon project is quite big but I don't think na ikakabagsak ng Montelebano ang hindi nila pagkakuha niyon considering the amount of money he has. At hindi ba dapat mas magalit siya sa may-ari ng kumpanyang tumanggi sa serbisyo niya kaysa sa bidding competitor niya?

Or is it something personal perhaps? Or he's simply crazy and out of his mind? Whatever it is, aalamin ko iyon, and if he will be proven guilty, mananagot siya sa aking mga kamay dahil kapatid ko ang kinanti niya.

Ngayon nakatakdang lumabas ng ospital si Kuya kaya susunduin ko siya upang iuwi. I've checked my time on my wrist watch at napagpasyahang umakyat na. Bago ako sumakay sa lift ay pasimple akong lumingon-lingon hoping to see any of the five security men assigned here pero wala akong nakita.

Pagsakay ko sa elevator ay inayos ko ang aking ballcap at dark shades, nakasuot din ako ng black mask kaya halos wala ng makitang parte ng aking mukha. Ayokong may makakita at ma-identify ako habang kasama si Kuya.

Hindi ko pa kilala ang lahat ng tauhan ng suspect ko at hindi impossibleng may makalapit at makakita sa akin habang kasama si Kuya kaya mabuti ng nag-iingat. Marami pa akong planong gawin sa Montelebanong iyon.

Pagdating ko sa floor kung nasaan si Kuya ay dere-deretso akong naglakad ngunit gumagala ang aking mga mata sa buong paligid. Doon ko napansin ang isang lalakeng matangkad at matipuno ang pangangatawan na may hawak na walis tingting. At base sa suot niyang uniporme na may logo ng hospital ay tila siya kabilang sa cleaning crew.

But I suddenly got alerted, because what the heck is he doing with a broom in a tiled floor? Maiintindihan ko pa kung walis tambo o mop ang hawak niya, pero ang walis tingting? It looks like na basta na lang niya dinampot iyon ng hindi nag-iisip. And what gave him away is the way he holds the broom stick, he's holding it like a weapon ready to draw in a beat instead of cleaning material.

And his left hand... he bears the same tattoo na nakita ko kay Rossauro Montelebano. I'm now one hundred percent sure that this one is an enemy. At kung nagawa nilang makalapit ng ganito kay Kuya, posibleng hindi lang siya mag-isa sa paligid at disabled na ang mga taong nakatalaga sa paligid para magbantay kay Kuya.

Taming The Sly Alexandria Gabrielle BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon