CHAPTER 4

840 18 11
                                    

I'M BACK

Saint Luke's Medical Center. After paying the driver, I immediately get out from the taxi with my medium size luggage. Agad sumalubong sa akin ang kakaibang init ng panahon at nakakasilaw na sinag ng araw ng katanghaliang tapat kaya agad kung isinuot ang aking dark shades para kahit paano ay may pananggalang ako sa aking mga mata.

It's the middle of March kaya napakainit ngayon dito sa Pilipinas at ngayon ako nagsisisi na hindi na muna ako umuwi sa condo unit na binili namin noon ni Kuya para makaligo at makapagbihis man lang. Dahil sa kagustuhang agad makita si Kuya ay dumeretso ako dito kahit medyo nakakaramdam ako ng jet lag.

Although I have already read my brother's medical report through our intel, hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko siya personal na nakikita at nakakausap. Hindi biro at simpleng bagay ang nangyari sa kanya dahil umabot na sa puntong nasugatan at naospital siya. Paano na lang kung hindi pipitsuging hitman ang ipinadala ng kaaway? Malamang mas malala pa doon ang natamo niya or worst, wala na siya ngayon.

I combed my long wavy hair with my hand as I walked towards the Hospital's entrance, pasimple kung pinapasadahan ng tingin ang paligid at mga taong nandoon na aking nakakasalubong. Kapansin-pansin ang mga napapalingon sa akin at ang iba ay talagang huminto pa upang tumitig lang sa akin.

I groaned inwardly as I realized why I'm being the center of attention right now. I forgot that it's high summer here in the Philippines and I'm wearing a fucking long coat over my midriff black sleeveless top with my black tight jeans.

And right now, with all these people staring, I feel like a ramp model in the runway as my knee-high, high-heeled boots is making a clicking sound on the tiled floor as I walk. Damnit, what a grand entrance!

Dati wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko, I even enjoyed being the center of attention, pero mula ng pinasok ko ang pagiging isang agent, I've learned to mind and analyze everything around me, to move with precision and accuracy. Pinakaiiwasan kong may makakilala at makakuha sa aking identity because it means danger to me and to my family.

Gusto ko sanang tanggalin ang suot kung coat para kahit paano ay hindi ako agaw pansin sa mga tao ngunit ginagamit ko itong pantakip sa suot kung back holster kung saan nakasukbit ang aking baril. For sure, lalo akong pagkakaguluhan kapag ginawa ko iyon kaya kahit nagsisimula na akong pagpawisan ay titiisin ko na lang. Damn.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang kanina sa taxi na naghatid sa akin dito sa ospital, I immediately took out my gun and ammos from my luggage and loaded it discreetly, hindi ako dapat pakampante at magpabaya.

On my first months as an agent, kinakabahan pa ako noong magdala ng armas sa publiko o sa tuwing lalabas ako ng Canada, ngunit habang tumatagal ay naging normal routine na lang ito sa akin because it's part of my job. Thankfully, our Agency has acquired all the government requirements and permits recognized by the authorities all over the world for us to travel with our weapons.

Gayunpaman, hindi ko ito pwedeng basta ipangalandakan sa publiko dahil sa gulo at alarmang maaaring idulot nito.

Dumeretso ako sa elevator na una kung nakita. Agad akong nakipagsiksikan sa mga pasaherong nandoon na napako ang mga paningin sa akin. Tsss, ganoon ba talaga ka weird ang hitsura ko? I punched on the floor number where my Kuya is at pasimpleng pinakiramdaman ang mga taong kasabayan ko na halatang puno ng kuryusidad. Nang masigurong wala naman akong maramdamang kakaiba o panganib sa kanila ay kampante na akong humilig sa dingding ng elevator hanggang sa makarating ako.

I immediately went out and briskly walked in the deserted pavilion while scanning the area. Maluwang at malinis ang buong pasilyo at halatang malalaki at mga pribadong mga kwarto ang naririto. Wala akong ibang taong nakikitang naglalakad ngayon bukod sa akin at pansin ko rin na nagkalat sa paligid ang mga CCtv cameras.

Taming The Sly Alexandria Gabrielle BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon