CHAPTER 31

991 18 32
                                    

FATHER AND SON (Alex's POV)

Goddamnit! I blinked numerous times but I'm still seeing the same thing. I've never fainted in my whole life because I'm scared, but now I think will be the first!

Kuya was in the middle of a meeting approximately six hundred meters away from The Haven hotel when two of my gadgets rang and vibrated numerous times that alarmed me. I looked at it immediately and cursed nang makitang galing sa tracking device na laging nakakakabit kay Draco nanggaling ang signal.

I even thought for a while that it just malfunctioned dahil nakita kung nasa vicinity lamang ng kinaroroonan ko ang location na naka-indicate sa locator, ngunit dalawang aparato ang nag alarm at dalawang beses din pinindot ang gadget na nakakabit kay Draco kaya imposibleng malfunctioning ang mga ito.

Sa dami ng aming mga kalaban dahil sa aming agency, I'm always on the defensive side because I know that my son is one of the most potential targets if they want to get back on us so I always see to it that I can monitor him wherever I am by installing numerous devices on all his things.

Kaya hindi ako maaaring magkamali, the signal I've received came from his customized smart watch similar to mine. At hindi niya basta pipindutin iyon out of his whim only because he is well oriented about the consequences if he does so without valid reason. His devices were connected to me and to the selected top agents of our agency and whoever is nearer among us once this situation came will be the one to automatically respond.

At base sa sunod-sunod na pagtunog ng aking cellphone ay alam kung ang ibang mga agents iyon na nakatanggap din ng signal galing kay Draco at nagpapadala ng abiso sa akin.

Hindi ko mailarawan ang takot na namamayani sa aking puso kaya mabilis akong tumakbo papunta sa aking naghihintay na motorsiklo at halos liparin ko ang kinaroroonan ng red dot sa aking screen. Scary thoughts assaulted my mind kaya hindi ko na inisip pang maaari akong madisgrasya sa bilis ng aking takbo.

Milya-milya ang distansya ng Canada sa Pilipinas at kung tama nga ang ipinapakita ng tracker ko na nandito ngayon sa Pilipinas si Draco, marami na ang pwedeng nangyari sa kanya kung kalaban man ang may hawak sa kanya ngayon. Damn.

Kabilaan ang ginawa kung pagsingit sa mga sasakyan at wala na akong pakialam pa kung may mga nalalabag akong batas trapiko at nakakakuha na ako ng labis na atensyon sa publiko. Panay din ang pagbusina ng mga kapwa ko motorista, at malamang may nagtibre na sa mga otoridad lalo na at nakalitaw ang dala kong armas.

In my state of panic right now, walang sinumang pwedeng humarang sa aking daraanan patungo sa kinaroroonan ng anak ko. I'm so guilty every time na aalis ako ng bahay para sa isang misyon at maiiwan ko siya, at ngayon ko higit na nararamdaman iyon, at kapag may masamang nangyari sa kanya, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

The Haven Hotel. Basta ko na lang ipinarada ang aking motorsiklo at palundag na bumaba dahil dito sa lugar na ito ang itinuturo ng aking tracking device. At mula sa aking kinaroroonan ay may layong limampong metro na lang ang aking distansya mula sa red dot, ang kinaroroonan ni Draco.

Wala ng panahon para mag-isip, hangos akong pumasok at inihanda ang aking sarili sa anumang panganib na pwedeng humarang sa aking daraanan, ngunit bukod sa guardiya na mukhang nagulat sa mabilis kong pagpasok at akmang pipigilan ako ay wala naman akong ibang nararamdaman at nakikitang kakaiba.

Lumiko ako sa isang pavilion at kung hindi ako nagkakamali ay isa iyong restaurant! Damn, what kind of joke is this? kung kalaban ang may hawak sa anak ko, natitiyak kong hindi sa ganitong lugar ako papupuntahin!

Marahas kung itinulak ang salaming pinto at agad iginala ang aking mga mata. Ngunit para akong hihimatayin sa aking nakita! Fuck! Fuck! Fuck!

Walang-wala sa hinagap ko ang senaryong nadatnan ko, and for the first time in my life, gusto kong barilin ang pinakamamahal kong DaddyLo!

Taming The Sly Alexandria Gabrielle BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon