CHAPTER 5

856 17 17
                                    

REIGNITED

Bago pa ako makabalik sa tabi ni Kuya kung saan ako nakaupo kanina ay narinig naming may nag buzz tanda ng may tao sa labas ng pintuan na nais pumasok sa hospital suite ni Kuya. I groaned in disapproval ng agad tumayo ang isa sa mga kaibigan ni Kuya at walang pag-aalinlangang binuksan ang pinto ng hindi man lang sinisilip ang peep hole upang sinuhin ang nasa kabilang panig ng pintuan.

Damnit, how careless! they're all aware why my brother is here pero kung umasta sila ay akala mo walang pagtatangkang nangyari sa buhay niya.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng iniluwa ng pintuan si Pol na agad nakipagkamayan sa nagbukas at nakipagbatian sa lahat. Ngunit ng akmang makikipagkamayan ito kay Sebastian ay eksahirado itong tumayo sabay pamulsa ng kanyang mga kamay habang kunot na kunot ang noo at lalong sumama ang timpla ng mukha. Nabitin tuloy sa ere ang kamay ni Pol at bakas sa kanyang mukha ang pagkapahiya na idinaan na lang sa pagtikhim.

Damn, he's so rude! What is wrong with him? Daig pa niya ang naglilihing pusang gala sa kanyang asta! Hindi naman siya ganoon dati ah. Everyone fell silent awkwardly kaya napilitan akong magsalita.

"Hey Pol." Agad siyang bumaling sa akin ng may malawak na ngiti sa kanyang mga labi. Agad niya akong sinunog ng mahigpit na yakap sabay halik sa aking pisngi.

"Hey, I missed you Alex. How's your trip? You should have given me a heads-up para nasundo kita." Pasimple akong kumalas sa kanyang mga bisig dahil bigla akong hindi naging kumportable kahit na normal na lang sa aming dalawa ni Pol ang ganito.

Minsan pa ay may narinig na naman akong lagabog mula sa dereksyon ni Sebastian. Fuck, ano ba ang pinaggagawa ng lalakeng iyon? Pati tuloy ako ay nadi-distract.

"Hmmm... it's okay."

"Alright, you must be very tired and hungry. Come on, I'll take you home now so you can rest. We can have a snack anywhere else along the way or will I just arrange an early dinner?" I'm about to answer him ng malakas na lagabog na naman ang aming narinig kaya napatingin kaming lahat sa teleponong ewan kung paanong bumagsak sa sahig mula sa mesa.

Nagtikhiman ang mga kaibigan ni Kuya na tila hindi rin kumportable sa ginagawang pagdadabog ni Sebastian kaya napatingin akong muli sa kanya na tiim na tiim ang mga bagang habang nag-aapoy parin ang mga mata. Hindi ko malaman kung ano ang kanyang rason kung bakit siya gumagawa ng ganoong ingay. He's obviously mad about something, or probably to someone.

I looked at him and saw the rage in his eyes that's directed to me. Parang gusto niya akong lunukin ng buhay sa uri ng pagkakatitig niya sa akin. But why? I don't see any reason why he's acting this way towards me. Siya pa talaga ang may ganang magalit? Huh, really Sebastian?

"So, let's go Alex?" I broke our eye contact at bumaling kay Pol na ngayon ay hawak na ang aking isang kamay.

"Ahm Pol, we need to settle things first before we leave here."

"Okay, what is it?"

"Let's get out of here and I'll tell you." Tumitig muna siya sa aking mukha bago ako pinasadahan ng tingin pababa sa aking katawan, kapagkuwa'y natatawa siyang nailing. Dinampot niya ang aking coat sa paanan ng kama ni Kuya at siya na ang nagsampay non sa aking balikat upang matakpan ang armas na nasa aking likuran.

Binalingan ko si Kuya na tahimik lang na nkamasid sa aming usapan.

"I'll be back Kuya, mag-uusap lang kami ni Pol."

"Okay princess, make it quick and after that umuwi at magpahinga ka na muna." Tumango lang ako at nagpatiuna ng nagmartsa palabas ng silid kasunod si Pol after he excused himself to everyone.

Taming The Sly Alexandria Gabrielle BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon