CHAPTER 35

1K 27 21
                                    

CONSTANT (Alex's POV)

"Gabrielle... what have I done to deserve this?..."

His voice sounds so weak, devastated and hurt. At wala akong makapang anumang salita na pwede kong isagot sa katanungan niyang iyon.

And God knows that every single cell in my body felt it too. Every bit of the pain that he's feeling right now resonates in me. Gusto ko mang maibsan kahit kaunti ang sakit na iyon ay hindi ko naman alam ang mga tamang salita at upang magawa iyon.

I thought, I'm ready and will have something smart and rational to say pagdating ng ganitong eksena sa pagitan naming dalawa.

I thought, I will be glad to slap him with the truth and watch him suffer...

I thought, I will have the satisfaction to witness his anger, despair, shock or devastation because of knowing that he has a son all this time.

God knows how angry and hurt I am mula ng araw na itaboy ako ng kanyang mama habang taas noong ipinapangalandakan sa aking mukha na nasa loob ng kanilang tahanan ang babaeng pangarap at nababagay sa kanyang anak habang kaharap ang kanilang buong angkan at pinaplano ang kanilang kasal.

Bitterness, anger and unfathomable pain resided in me. At sa paglipas ng mga panahon, nanatili iyon sa aking dibdib at nagsusumigaw ng pagganti.

Because that day, Mrs. Mondragon succeeded to make me feel the tiniest, most pathetic and unwanted creature in this world. She added a deeper wound on my already scarred soul that still hurts over the years.

Kaya kasabay ng pagtalikod at pagpatak ng aking mga luha noon ay ang pagsisisi sa naging desisyon kong ipaalam pa kay Sebastian ang aking sitwasyon. Since then, I vowed to myself that I will never associate myself nor my child to any of the Mondragons.

And yes, he deserves it! He deserves more than this! Goddamnit, he deserves this!

But fuck! Why am I feeling so guilty and hurting too upon seeing how broken and hurt he is right now? I should be rejoicing because this is what I want. For him to feel even partially what I've been through.

Marahan niya akong pinihit paharap sa kanya, and just like a lifeless leaf that just goes where the wind blows, I ended up looking at his sorrowful gray eyes. And what I saw in there devastated me even more. Wala mang panunumbat na lumalabas sa kanyang mga labi ay ramdam na ramdam ko naman ang mga katanungang nakapaloob sa kanyang mga mata.

And to my utter shock, dahan-dahan siyang bumaba habang magkahinang parin ang aming mga mata. I tried to speak to stop him but my voice failed me.

Napatakip na lang ako sa aking bibig upang mapigilan ang mapahikbi ng tuluyan siyang lumuhod sa aking harapan habang yakap ang aking mga binti. Sumubsob siya at nag-umpisang yumugyog ang kanyang mga balikat sa tahimik na pagluha habang ako ay tila estatwang basta lang nakatayo doon, hindi alam kung ano ang dapat kung gawin. Too shock to see him like this.

"Gabrielle... why?"

He looked up at me while tears are freely flowing on his face. And once again, parang may punyal na tumarak sa aking dibdib dahil sa nakikita kung paghihirap ng kanyang kalooban.

I wanted so much to take him in my arms and comfort him. Ngunit hindi, hindi ko pwedeng gawin ang bagay na iyon. Dahil ako higit sa lahat ang nagdusa at patuloy na magdurusa kapag naging malambot ako at kalimutan ang tooong sitwasyon.

Having a child together doesn't ensure our situation. Dahil alam ng buong mundo na may isang Grizelle na naghihintay sa kanya, and soon, they will get married.

"Am I that unworthy to know the existence of my son?" napailing ako ng sunod-sunod at sa puntong iyon ay pinili kong samahan siya sa sahig, sumalampak rin ako but I refused to look into his eyes.

Taming The Sly Alexandria Gabrielle BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon