CHAPTER 18

720 13 3
                                    

INVESTIGATION

"Marami-rami din po, at kung kailangan niyo po ng detailed profile ng mga kumpanyang iyon ay pwede ko pong i-print ma'am for your reference." Napatango-tango ako dahil obvious na bihasa at organized ang sekretarya ni Kuya.

"Okay, please do that. As you have said Alonzo Builders has been soaring these past years, who are the companies it has surpassed or in tight competition in the market?"

"Among them ma'am are the giant construction companies such as the Ignacio's Engineering Firm, AFC Construction, Melecio's Empire and the biggest rival of Alonzo's ever since, the Montelebano Construction Company." I nodded and mentally calculated my next move regarding those said companies.

"May mga naging negative publicity ba ang Alonzo Builders in the past?"

"Ahm... hindi naman po iyon maiiwasan ma'am sa larangan ng negosyo pero wala naman pong naging derektang epekto ng mga negative publicity na iyon sa takbo ng kumpanya, nakatulong pa nga po iyon to popularize Alonzo Builders even more."

"Good. And who do you think created those negative publicity? Is it one of the company's rivals?"

"Possible ma'am, lalo po nitong huling bidding na naganap." Napatango-tango ako ngunit hindi ako basta-bastang magpapatangay sa leading ng kung sinuman at mabahiran ang sarili kung judgement sa aking imbistigasyon.

"What about my brother, how is he as a boss?"

"Compared to your Dad ma'am, mas magaan po siyang katrabaho dahil siya po iyong tipong palabati sa kahit sa pinakamababang empleyado ng kumpanya, malaya pong nakakalapit at nakakausap siya ng sinumang empleyado upang maiparating sa kanya ang anumang hinaing nila."

"Good. Well, as the CEO of one of the top construction companies in the country I'm sure he's not only popular in the business world..." sinadya kung ibinitin ang aking sasabihin dahil gusto kong makita ang kanyang reaction, at hindi nga ako nagkamali ng napapatango na napapailing siya na parang may gustong idugtong sa aking sinasabi.

"Well... is he?"

"Ahh.. gwapo si sir, mabait at magaling na CEO ng isang matagumpay na kumpanya, kaya po normal na para siyang asukal na pinagkukumpulan ng mga langgam."

"Ahuh, so hindi lang business opportunities ang lumalapit sa kanya, women also flocks around him is that it?" Nakita ko ang pag-aatubili sa mukha ng matandang sekretarya at pag-iwas ng tingin. Isang palatandaan na ayaw niyang magkuwento ng mga bagay na may kinalaman sa aking sinabi.

"No comment about that ma'am. All I can say is, Sir Andrius is a great leader but he's also a normal person who needs to relax and play sometimes."

I suppress my smile, satisfied of her answer. It's obvious that she has a firm loyalty and dedication not only to the company she works with but also to her boss. No wonder nagtagal siya ng ganito at pinagpasa-pasahan na ng mga naunang namuno sa kumpanyang ito.

"Hmm... so wala ba namang nagwalang mga babae? Naagrabyado or nagdemanda kay Kuya? Or did he ever had an affair with a married woman?" kinagat ko ang aking labi dahil halos hindi ko mapigil ang aking pagngiti sa nakita kung pagkislap ng inis sa mukha ng sekretarya. She looks like a mother hen being protective to her chicks at natutuwa ako na makitang may genuine concern siya para kay Kuya.

"You should know ma'am that your brother is not that kind of man." Aniya sa mariin at pormal na tinig. Mentally, I'm crossing out her name among my list of suspects.

"Ahuh... so if it's not from an enraged fling, what do you think is the motive behind his assault?" Napaisip siya at lumalim ang mga gatla ng kanyang noo.

Taming The Sly Alexandria Gabrielle BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon