CHAPTER 27

741 17 6
                                    

ALEX, the hacker

"What's wrong?" Agad kong tanong kay Kuya pagpasok ko sa kanyang private office sa aming bahay. By the way he looks, I know he's thinking deeply and bothered over something.

"I received a call."

"And?"

"The caller is threatening me. Again." Nagtagis ang aking mga bagang at agad bumangon ang aking galit dahil nakikita ko kung paano siya maapektuhan. Hindi pa siya lubusang gumagaling sa tamang natamo niya pero heto't umaatake na naman ang mga demonyong gustong manakit sa kanya.

"Chill and don't think about it too much. Ako na ang bahala." Ngunit napatayo siya at marahas na napahilamos sa kanyang mukha.

"Alex, please listen to me. Delikadong tao ang nasa likod nito at ayokong madamay ka. If worst comes to worst, tama nang ako lang ang casualty dito."

"Damn it Kuya! If there's going to be a casualty here, sila iyon! Hinding-hindi ako papayag na maging ikaw iyon o ako, over my dead body! Understood?!" Galit ko ring sigaw sa kanya dahil hindi ko nagugustuhan ang kanyang pagpa-panic.

"And what does a woman like you can do to a notorious criminal like them? Alex, I hate to say this pero mabibilang ka lang sa mga nabiktima nila kapag ipinagpatuloy mo ang ginagawa mo! For god's sake, you have Draco to consider!" Nagtiim ang aking mga bagang sa kanyang mga sinabi.

I know that he didn't mean to insult nor underestimate me because he doesn't really know me at all. Yes, we're siblings and close, he somehow knows my job but he doesn't exactly know what I do and what I'm capable of doing to the enemies.

"Just listen to my instructions and nothing will go wrong. Trust me with this, okay Kuya?" Iyon lang at iniwan ko na siya doon bago pa ako tuluyang magalit. I should handle everything coolly like I always do, but I can't help it, iba pala kung mismong kadugo ang involve sa misyong ginagampanan.

And I hate to see that it's all taking a toll on him. Those sons of bitches are succeeding to scare my brother and it's making him distracted and paranoid with everything! He has a company to run at sa nakikita kong estado ng pag-iisip niya ngayon ay malabong makapagtrabaho siya ng maayos. Kaya kailangan ko nang gumawa ng aksyon, whatever it takes!

Tumuloy ako sa aking silid na nagsisilbing control room ko narin. Wala akong natanggap na report mula sa mga tao ni Sebastian so I guess bukod sa tawag na iyon kay Kuya ay wala ng iba pang untoward incident.

I immediately connected the reliable and most advanced device I used yesterday in my computer and made a copy to every file copied and recorded from the three cellphone units used by Montelebano and his two colleagues.

I concentrated on Montelebano's, patuloy sa pagdating ang mga messages at e-mails hanggang sa mga oras na ito. Puno ang mga iyon ng conversations, documents and agreements ng kung anu-anong mga transaction sa iba't-ibang mga negosyante, and everything looks legit kung ang titingin ay mga taong hindi nakakakilala sa totoong background niya.

Nevertheless, I save everything and made multiple copies for future references. Sunod kong pinakinggan ang napakaraming audio recordings, nagsimula ako mula ng tumalikod ako at nagpaalam na umalis ng restaurant.

Their main topic was about the mysterious woman named Shan who just vanished without a single trace na ngayon ay kanila ng pinghahanap. Malinaw ang mga boses at instructions na nagmamando sa mga tauhan ng pagpapa-kidnap sa babae, so I made a copy of it again together with their images while talking na kinuha ko mula sa CCTV ng restaurant para hindi maipagkaila kung sinu-sino ang mga taong involved once it will be presented as evidence.

My fingers halted from the keyboard and listened carefully to the next audio recording. Nagwawala at the same time ay nagpapanic si Montelebano dahil sa pagkamatay ng apat niyang mga tauhan ng hindi nila namamalayan sa parehong building kung nasaan siya ng mga oras na iyon. Ang ipinagtataka ko ay umabot pa ng gabi at nakaalis na siya sa mismong lugar bago pa niya nalaman ang nangyari!

Taming The Sly Alexandria Gabrielle BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon