CHAPTER 23

680 11 2
                                    

UNDERCOVER

I walked sexily towards the table for two reserved for me, acting nonchalant to the eyes looking my way. Sinadya kung magsuot ng push-up bra to emphasize my deep cleavage even more at umaalog iyon sa bawat paglalakad ko.

And I feel satisfied sa reaction at atensyon ng mga taong nasa paligid pero nagkunwa akong abala sa pagkalkal ng cellphone ko sa loob ng aking purse.

"Good morning and welcome to Amore's Cuisine ma'am." Nakangiting bati ng magandang waitress na nakaantabay malapit sa aking mesa.

"Hi." Maikling bati ko.

"Would you like to order now ma'am or you're still waiting for your companion?"

"Hmm... a glass of negroni for now please."

"Okay ma'am, coming po." I opened my phone and key in something and simply touched my diamond earring for activation, an earring that's actually a programmable device depending on the purpose, it can be a listening device, a recorder and camera that's like a Bluetooth that can connect to any nearby devices and enables me to hack in a matter of five seconds.

Isa ito sa pinakapaborito kung gamitin sa aking mga misyon dahil napakadali lang nitong gamitin at hindi basta-basta nai-intercept ng other party. Malaking halaga ang binitawan ng aming agency just to own the right of this gadget mula sa aming gadgets and technology provider.

At ngayon nga, I was smiling as if I was just watching something amusing on my screen where in fact, I have already copied almost everything in Montelebano's cellphone and listening to them talk... about me.

Tama nga ako, hindi ako mahihirapang mag-penetrate sa ungas na ito, dahil siya na mismo ang kusang mahuhulog sa kahinaan niyang nakalatag sa kanyang harapan. Wala pa akong ginagawa pero para na siyang gamo-gamong naaakit sa taglay kong karisma. Kitang-kita iyon sa kanyang mga matang hindi na mahiwalay sa akin.

"Here's your order ma'am." Nakangiting wika ng waitress na sinuklian ko lang din ng ngiti. Muli akong yumuko sa aking cellphone at itinapat iyon sa aking tainga, pagkatapos ay sumimangot ako at kunwang inis na muli iyong inilapag.

I am being watched so I started acting as if I'm trying to call someone to give them the impression that I'm expecting for someone pero hindi ko makontak as an additional to my drama so I will look more vulnerable and helpless to predators like him.

Malinaw kung naririnig mula sa aking earring ang kanilang usapan na ngayon ay nakasentro na sa akin. At kulang na lang ay maglaway ang gagong si Montelebano sa mga kahalayang pinagsasabi niya na magiliw namang sinasabayan ng dalawa pang mga kasama niya.

Damn these expensively clad devils, iginagalang at tinitingala sila ng maraming mga tao, pinaparangalan sa mga simbahan at halos sambahin ng mga mahihirap, ngunit ang hindi nila alam, sa likod ng kanilang mga mamahaling kasuotan at kagalang-galang na mga kilos ay nagtatago ang kakambal ni satanas na laging nakaantabay ng mabibiktima. Ano kaya kung makita't marinig ng madla ang usapang ito ngayon sa pagitan niya at mga kaibigan niya?

I smiled and considered that idea. Ngayon pa lang, salimbayan na sa aking utak ang mga pwede kung gawin sa Montelebanong ito. One of these days, gigising siyang tuliro at hindi alam ang gagawin, at sisiguruhin kung walang magagawa ang kanyang pera at kapangyarihan maging ang mga taong nasa likod niyang nakasuporta sa kanya.

"Look who's coming kumpadre." Saad ng isang kaharap niya kaya dagling bumaling ang paningin ni Montelebano sa bungad ng restaurant at dagling nagliwanag ang mukha nito. On curiosity ay pasimple din akong lumingon sa dereksyong iyon ngunit laking pagsisisi ko ng makita kung sino ang mga bagong dating.

Taming The Sly Alexandria Gabrielle BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon