CHAPTER 32

1K 23 12
                                    

He's Mine (Sebastian's POV)

"Gabrielle!" nag-panic ako at biglang napatayo ng magsimulang humakbang palayo mula sa aming mesa sina Gabrielle at Draco. I don't know but for some unknown reason, I just can't let them walk away just like that.

Malabo. Nakakatuliro. Pero isa lang ang alam ko, may dapat ipaliwanag sa akin si Gabrielle.

"Kid, stay." Naudlot ang aking paghakbang pasunod sa mag-ina ng umalingawngaw ang maawtoridad na tinig ni Mr. McIntosh. The playfulness in his voice a while ago is now totally gone. "Let them go before hell break loose."

He's deadly serious ngunit hindi ko mapigilan ang masidhing kagustuhang pigilan ang mag-ina. Call it intuition, but I know for sure that I have a connection with them. Damang-dama ko iyon sa tila malakas na pwersang humuhila sa akin patungo sa kanila.

Binalikan ko sila ng tingin, at tamang-tama namang lumingon si Draco at nagtama ang aming paningin. And there I saw the very familiar mischievousness in his smile, the same smile I've learned to adore five years ago. And the glint in his eyes, para iyong may gustong sabihin na tila hinahamon ako sa isang bagay. And as of his mother, she didn't bother to throw another glance at our direction and just continued on her angry long strides away from us.

"Damnit." Napamura ako at patakbo akong sumunod sa mag-ina. Wala na akong pakialam pa sa warning ni Mr. McIntosh.

"Anton!..." I heard Grizelle and Lolo called for me but I didn't give a damn. Mas mahalaga sa aking makausap si Gabrielle dahil kitang-kita ko ang tinitimping emosyon at matinding galit sa kanyang mga mata at ayaw ko mang aminin ay nagdulot iyon ng kaba sa akin.

Kaba, dahil kilala ko na siya kung paano magalit. And I don't want to be a recipient of her anger again kaya nitong mga nakaraang mga araw ay ganoon na lang ang aking pag-iingat upang hindi ako makagawa ng mga bagay na muli niyang ikagalit at dahilan ng muling paglayo sa akin.

But then, my desire to hear her explanations about her having a son is much stronger than the agitation I feel right now! I can strongly feel in my gut na may dapat siyang sabihin sa akin.

Goddamnit, she has a son born seven months after she left me kaya hindi maaaring hayaan ko na lang silang basta makalayo sa akin. But at the same time, I'm so afraid to hear the opposite of my expectations. What if, she had another or secret relationship aside from me before? Hell, no!

Agad kinontra ng aking isip ang ideyang iyon because however sly and playful she was, hindi siya ganoong klase ng babae. At ako ang higit na nakakaalam at makakapagpatunay ng bagay na iyon.

"Gabrielle!" Pinigilan ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ni Draco. She suddenly stopped and faced me while breathing heavily. I can clearly see the suppressed contempt in her eyes.

"Let go Sebastian. Not now." Kalmado niyang turan ngunit ang bawat kataga ay may diin at kalakip na pagbabanta.

"Ihahatid ko lang kayo."

"May sasakyan ako."

"Come'on Gabrielle, you're on your big bike, isasakay mo ba doon ang bata?"

"Are you questioning my capability to take care and protect my son?" nagngalit ang kanyang mga bagang at halos literal na magbuga ng apoy ang kanyang mga mata.

"Aheemmm... guys cool down and talk like adults, will you? Remember where you are." Parehas kaming nabaling kay Draco na puno ng kuryusidad ang mga mata habang masusing palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Gabrielle.

"Come on, I'm just offering you a ride, is that so bad? Little sir, will you convince your mom please?" Damnit, I feel like an idiot, and yes for the first time in my life, I feel intimidated and helpless!

Taming The Sly Alexandria Gabrielle BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon