CHAPTER 14

734 17 13
                                    

FIANCEE

Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha dahil para itong sinilaban sa init na aking nararamdaman. Hindi ko magawang magbaling ng tingin kay Kuya sa takot na mapansin niya ang aking reaction. Kung bakit ba naman kasi hindi ko mapigilang makaramdam ng ganito sa tuwing nandito si Sebastian, lalo pa't sinasadya niyang magkadikit ang aming mga balat.

"You can always coordinate with Anton Alex, I'm sure he can be of big help to everything you want to know." I pouted on what Kuya said. Nakakainis lang dahil para siyang nananadya. Hangga't maaari sana ay huwag ng mag-cross ang aming mga landas dahil hindi ko makontrol ang aking sarili sa tuwing nagkakasma kami, ngunit heto at para talagang pinaglalaruan ako ng panahon.

"No thanks Kuya, I have my own resources."

"Why not Gabrielle? Afraid of me?" He said mockingly while a sheepish smirk is playing on his lips.

"Why should I?" Tiningnan ko rin siya na puno ng pang-uuyam at tinaasan ng kilay.

"Indeed. There's no reason for you not to approach and ask for help to Anton, you know very well that he is my most trusted friend and I literally trust him with my life kaya mapapanatag ako kung sa kanya ka lalapit at hihingi ng tulong. Afterall, he's also personally involved with my case, so it's better if you will coordinate with him."

"Personally involved. Is it because of his men that's guarding you?"

"Yes, but aside from that, his fiancée is offering her services to handle my case and I'm seriously considering it." Parang may biglang sumabog sa aking pandinig at bigla akong nabingi. Paulit-ulit na nag-echo sa aking utak ang salitang 'fiancée' na siyang nagparalisa sa aking kakayahang mag-isip at makapagsalita kaya ako napatulala.

May isang bahagi ng aking utak na ayaw tanggapin ang narinig ng aking mga teynga ngunit malinaw ko iyong nasagap at tumatak sa aking isip. Damnit, bakit pa ba ako nagkakaganito? Bakit pa baa ko naaapektuhan ng mga bagay na may kinalaman sa kanya? At higit sa lahat, bakit pa ba ako nasasaktan sa kaalamang nakatali na siya? Hindi ba't itinalaga ko na sa aking isip ang mga mas malala pang bagay tungkol sa kanya? Gaya ng may asawa't mga anak na siya.

Damn, hindi pwedeng lagi na lang akong ganito! At ano raw? offering his fiancée's services on my Kuya's case? So that means she's a lawyer. At iisa lang naman ang kilala kung lawyer na na-involve sa kanya. His first love and girlfriend, Attorney Grizelle. Ngunit ang pagkakaalam ko ay isa siyang corporate lawyer, not a criminal lawyer.

Tumayo ako sa aking kinauupuan na wala pa ring imik. Masyadong malakas ang impact sa akin ng kaalamang iyon kaya kailangan kong tumalikod at pumunta sa pinakamalayong parte ng silid kung nasaan ang bintana at tanaw ang mga aktibidades sa ibaba.

Damnit, ibang-iba pala ang pakiramdam ng iniisip ko lang kumpara sa mismong narinig na ng dalawa kong teynga.

My chest constricted because of the shocking pain that assaulted me. Hindi ako makapaniwala na nararamdaman ko parin ang ganito katinding sakit dahil sa kanya sa kabila ng paglipas ng mahabang panahon at pagsusumikap kung kalimutan siya.

Pasimple akong tumitikhim upang maiwala ang pagbabara ng aking lalamunan at tumingin sa labas ng bintana upang maitago ko ang aking mukha dahil siguradong nakarehistro doon kung gaano kapait ang aking nararamdaman ngayon. And I know for a fact that no amount of training can conceal how devastated and hurt I am right now in knowing that damn fact.

Maling-mali talaga ang desisyon kong umuwi dito, oo nga't kailangan ako ni Kuya, pero alam ko rin naman sa sarili kong marami kaming tao na pwede kong i-deploy para sa kasong ito. At ang higit sa lahat, isang napakalaking pagkakamali ang pinayagan kung mangyari sa amin kagabi!

Taming The Sly Alexandria Gabrielle BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon