CHAPTER 36

1.4K 33 26
                                    

Draco on board (ALEX'S POV)

What now? Iyon ang paulit-ulit kung itinatanong sa aking sarili habang kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng aking silid. Somehow, may kung anong mabigat na bagay na naalis sa aking dibdib pagkatapos ng lahat.

They say, what's destined to happen will eventually happen despite what we do to prevent it. And all these times, hindi ako naniniwala doon, but this suddenly happened. Is this what they call fate?

"Mom!" Napabuntong hininga ako at agad nagtungo sa pinto upang pagbuksan ang kumakatok na si Draco.

"Mom, can I go with Dad?"

At ito pa nga ang isa sa mga pinapangambahan ko. His sudden attachment to his Dad. May sariling buhay ang kanyang ama, oo madaling makaintindi si Draco pero hindi parin maiiwasang makaramdam siya ng disappointment kung sakali mang hindi magampanan ng kanyang ama ang mga expectations niya. At kapag nangyari iyon, mas dobleng sakit ang balik sa akin.

"Did he ask you to?"

"Yeah." Napabuntong hininga ako at lumuhod sa harapan ni Draco upang magpantay ang aming mga mata. I let him look at my eyes and see what's in it. Alam kung sanay na ang aking anak sa akin. Kaya niyang basahin sa pamamagitan lamang ng aking mga mata ang aking emosyon at sagot sa mga bagay-bagay. Kakayahang siya lamang ang kayang gumawa sa akin at pinapayagan kong gumawa.

Pagkalipas ng ilang sandali, nakita ko kung paano lumaylay ang kanyang balikat at pagrehistro ng disappointment sa kanyang mga mata.

"Then when?"

"Until I'm sure of your safety."

"But can I at least go out of here?" tinaasan ko lang siya ng kilay. Hindi niya ugaling mangulit. Ni minsan hindi pa siya nangulit nang ganito kaya ramdam ko din ang enthusiasm niya na makasama ang kanyang ama.

"Fine mom." Iwinasiwas pa niya ang kanyang kamay at bumuntong hininga tanda ng pagsuko.

"Do you trust me son?" muli siyang tumitig sa akin at doon ko nabanaag ang munting ngiti sa kanyang mga labi. Ang kaninang pagkadismaya ay hindi ko na makita.

"Always mom. Always..."

Inilahad ko ang aking mga bisig at agad naman siyang pumaloob doon at yumakap sa akin ng mahigpit.

"Thank you for always understanding honey."

"And thank you for always protecting me. I love you mommy."

Lalo kong hinigpitan ang aking yakap sa kanya sabay tingala upang pigilan ang nagbabantang pag-iinit ng aking mga mata. Damn, nagiging emosyunal na talaga ako.

"Do you love me too mom?" nagtaka pa ako sa tanong na iyon ni Draco kaya dagli akong yumuko upang tingnan siya.

"Then why are you chocking me?"

"What?!"

"You're choking me with your embrace!" natawa ako sabay gulo sa kanyang buhok.

"Relax and rest for now, okay? I still have to check the old man out there and ensure for his safety."

Napangisi si Draco sa aking sinabi patungkol kay DaddyLo.

"I thought you're going to feed him to the piranhas?"

"Poor piranhas, they'll be poisoned for sure so nope, let's leave the innocents behind."

Napahagalpak ng tawa si Draco at umastang tatalikod.

"I'll just talk to Dad and tell him what we've talked about, and mom?"

"Yes?"

"Meantime, give me a task so I won't die of boredom in here, okay? And when I say task, you know what I mean."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taming The Sly Alexandria Gabrielle BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon