CHAPTER 21

709 14 11
                                    

RAGE

"Damnit Gabrielle!" napatanga ako sa galit na galit na si Sebastian. Kuyom na kuyom ang kanyang mga kamao at nagngangalit ang kanyang mga bagang. But why? Hindi ba't ako ang dapat nagagalit ngayon dahil sa ginawa niyang pagpaparinig ng malicious and suggestive words sa kausap ko?

Draco maybe just a kid, but then he is no ordinary kid and I'm sure that by now he's already contemplating something! And I may be a master of deception in many ways, but when it comes to my son, I've promised myself that I will always be truthful to him.

At kulang na kulang pa ang aking kahandaan para sa kanyang mga katanungan at mga katotohanang dapat kung isasagot. At kapag dumating ang kumprontasyong iyon ay gusto kung magkaharap kami at hindi sa telepono lamang.

"Fuck Sebastian! What's your problem huh?!"

"My problem? You made me a fool! Damnit Gabrielle!" napanganga ako ng bigla siyang tumalikod at ubod lakas na sinuntok ang pader! Damn, what's happening? Hindi ko naiintindihan ang nangyayari lalong-lalo ng kanyang marahas na reaksyon.

"It's been so long huh?! Fuck! Fuck! Fuck!" Punong-puno ng pait ang kanyang boses at patuloy na pinagsusuntok pa ang pader at nababahiran na iyon ng dugo na nagmumula sa kanyang mga kamao at hindi ko kayang tagalang panoorin siya ng ganoon.

On instinct ay niyakap ko siya mula sa likod at ginamit ang aking buong lakas upang iharap siya sa akin at matigil sa kanyang ginagawang pananakit sa sarili. Alam kung delikado dahil ang taong sobrang galit ay nawawalan ng kapasidad na mag-isip ng maayos at control sa sarili, kaya may posibilidad na ako ang mapagbalingan ng kanyang galit, but then he's Sebastian. My Sebastian...

Thankfully, he stopped and looked straight into my eyes. Lalo naman akong nagulumihanan dahil sa nakita ko doong pagrehistro ng lungkot, pagkabigo at sakit... but why? What have I done for him to feel that way? or am I just interpreting things the wrong way?

"What's wrong baby?" napakagat ako sa aking labi dahil hindi ko na napigilan pa ang paghulagpos ng mga katagang iyon sa aking mga labi. Damnit, he looks so vulnerable and hurt and it's making me utterly confuse! Above all, hindi ko pala kayang tagalan na nakikita siyang ganito.

"What did you say Gabrielle? You really have the guts to call me that way after talking to your lover? honey huh? and what about Chavez, how do you call him? Sweetheart?! Damnit! Bakit ba ako naniwala sa sinabi mo!" kinalas niya ang aking mga brasong nakapaikot sa kanyang katawan at marahas na humakbang palayo sa akin.

"Hey dude... what the..." natigil si Kuya sa akmang paghakbang papasok ng kusina ng makasalubong ang galit na si Sebastian na tumutulo pa ang dugo mula sa kanyang mga kamaong sugatan. Parehas kaming hindi nakaimik at pinanood na lamang ang kanyang mabibilis na paghakbang palabas ng aming bahay.

Hindi ako makapag-isip ng tama dahil salimbayan ang mga senaryo sa aking utak. Ngunit mas nananaig doon ang kiliti at tuwa because if I'm going to analyze things, he started acting that way when he thought I was talking to a man, to a lover.

"And why are you smiling like an idiot in there? What have you done to Anton?" Napatingin ako kay Kuya at dagling pumormal lalo ng mahimigan ko ang halong akusasyon sa kanyang tinig.

"Tsss... bakit ako? I didn't do anything Kuya..."

"Really Alex? Eh sino pa ang pwede niyang makaaway dito? He's bleeding for god's sake!"

"Tsss... he just..."

"He just what huh Alex?" Oo nga naman, ano nga ba ang sasabihin kong dahilan? Damn. Nag walk-out na lang din ako dahil napakagulo na ng utak ko. Alam kung hindi naman matatapos sa isang tanong lang si Kuya, kaya imbes na uriratin pa ako, mas madali na lang tumalikod.

Taming The Sly Alexandria Gabrielle BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon