Jazrille's POV
Another boring day. Wala ako sa mood makinig ngayon sa professor namin na nagsasalita sa harap. Hindi ko alam kung bakit ang tamad tamad ko ngayong araw.
Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nung ma-engaged kami ni Ivan. Bumalik naman sa normal ang lahat dahil nitong mga nakaraang linggo, hindi kami tinitigilan ng fan girls nya sa kakabati samin.
After ng school, umuwi muna ako sa bahay para matulog dahil parang pagod na pagod at antok na antok ako ngayong araw. Pero bago ako mahiga, binuksan ko muna ang tv at nakita ko si Ivan na iniinterview.
Eto ata yung sinabi nya saking interview nung nakaraan pero na-postpone at ngayon lang pinalabas.
"Magandang hapon sa lahat nang nakatutok sa atin ngayong hapon. Ito ang palabas na hindi mo matatakasan. Mga tanong na kailangan ng kasagutan. Ito ang, Inside Issues." Sabi ng babaeng host habang pinapakilala ang kanilang programa.
"Nandito po tayo ngayon kasama ang isa na naman ang bagong guest. Isa sya sa pinakakilalang basketball player ng colleges ngayon. Isa sa mga lalaking hinahangaan ng lahat ng kababaihan ngayon, Mr. Ivan Ramirez." Ipinakita naman si Ivan na nakaupo katapat ng babaeng host.
Talagang babae pa ang host?!
"Good afternoon." Bati ni Ramirez. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil ang tipid ng sagot nya sa haba ng pakilala ng host sa kanya.
"Goodafternoon Mr. Ramirez, kamusta ang buhay basketball?" Tanong kaagad ng host.
"Playing basketball is my hobby since I was 10. Masaya naman ako so far and this is my last year playing for Arcadia." Sagot naman ni Ivan.
"Oh. So may balak ka bang magpa draft para sa team ng Pilipinas?" Hindi kaagad nakasagot si Ivan sa tanong ng host. Hindi ko alam na nagdadalawang isip pala sya kung magbabasketball sya or mamamahala sya sa kompanya nila.
"I'm not sure. My Dad want me to take over our company. Pinagiisipan ko pa kung itutuloy ko ang basketball or company na lang."
"Hindi mo ba kayang ipagsabay ang basketball and business?" Tanong ng host na mukhang naiinis na si Ivan sa dami ng tanong. Hahaha ayaw nya kasi ng ganyan eh. Hindi nya lang pinapahalata dahil syempre, naka air sya sa tv.
"I think I can't. Pero kung ganoon nga ang mangyayari, why not accept both?" Napatango naman ang host sa sagot ni Ivan.
"I see. Alam mo namang maraming babae ang maghihintay sa pagpasok mo sa Team Pilipinas kung sakasakaling ipagpapatuloy mo ito. Anyway, marami ang curious sa tanong na ito, may girlfriend ka ba ngayon?" Napangisi si Ivan sa tanong sa kanya pero alam kong hindi nya ako idedeny.
"Girlfriend? Wala akong girlfriend." Nainis ako at kinuha yung phone ko para tawagan si Ivan kahit nasa lecheng interview pa sya. Tinawagan ko sya nang tinawagan hanggang sa maibato ko yung phone ko dahil inis na inis ako at nagagalit sa sinabi nya ngayon.
Wala palang girlfriend ha?!
"Oh girls out there! Wala daw girlfriend ang basketball player na si Ivan Ramirez. Pwedeng pwede na kayo." Tumatawa tawa pa ang host habang ako dito, kulang nalang basagin ko yung screen ng tv ko.
"Wala naman talaga akong girlfriend, pero fiancee meron." Napatigil yung host sa pagtawa dahil sa sinabi ni Ivan. Nawala ang inis at galit na nararamdaman ko kanina dahil sa sinabi nya.
"Oh, so who's the lucky girl?" Walang ganang tanong nung host. Akala mo ha?! He's mine.
"Can I greet her?" Tanong ni Ivan sa host at agad naman itong sumagot ng "Sure."
BINABASA MO ANG
STILL MY MVP (Arcadia Series #1 Book 2)
Teen FictionJazrille left the love of her life for his own good. And now that she came back for him again, will their lost love find it's way back to them and live a happy ever after? MY CONTRACT BASKETBALL PLAYER BOYFRIEND BOOK 2! Start: September 7, 2014 Ende...