Chapter 12

2.8K 46 6
                                    

Jazrille's POV

"You can't talk to her, asshole." Bago pa ako makasagot, may sumagot na para sakin. Kahit hindi ko naman sya lingunin, I know him. My Ivan.

"Ivan. What are you doing here?" Tinanong ko kaagad sya. Diba ang usapan namin, magtetext ako sa kanya. He did followed me.

"Securing your safety. Just wanna be sure na makakauwi ka nang safe so I followed you. I didn't expect na may makikita akong panget dito." Pfft. Ang bully talaga nito.

"Ivan, stop." Baka kung ano pang gawin ng lalaking to kay Alfonso kapag hindi napigilan.

"Go now Alfonso. I don't want to see your face here." Nakatingin lang sa kanya si Alfonso at tska sumagot,

"Hindi ikaw ang ipinunta ko dito kaya wag kang papampam." Kumunoot ang noo ni Ivan sa narinig nya. Hindi ko inasahan na sasagutin nya si Ivan ng ganon. Does he want a fight?!

"Gago ka ba? Girlfriend ko yung kinakausap mo tapos sasabihan mo akong papampam? Ikaw ang papansin! Umalis ka dito bago ko pa ingudngod yang pagmumukha mo dyan sa kotse mo."

Walang nagawa si Alfonso kundi ang umalis. Pero alam ko na hindi ito ang huli naming pagkikita.

"Alam mo ba yung salitang "dont talk to strangers" Jazrille?!" Medyo pasigaw nyang sabi kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Yes. Hindi mo kailangan sabihin sakin yan dahil unang una, kinatok ko lang ang salamin ng kotse nya para makita kung sino ang nandon, pangalawa, hindi naman ako nagsalita at pangatlo, sya ang kumausap sakin na ikaw naman ang sumagot. So sino satin dapat ang may alam ng dont-talk-to-strangers mo?"

Kumalma na ang gwapo nyang mukha. "Pumasok tayo sa loob."

Nauna na akong pumasok dahil naiinis ako sa kanya. Hindi ko sya pinansin at dumeretso sa kwarto ko tsaka nahiga. Nakakapagod.

"Jazrille." Pumasok sya sa loob ng kwarto ko at naupo sa gilid ng kama ko. Hindi parin ako umiimik dahil sa inis ko.

"Jazrille naman, sorry na. Naiinis lang talaga ako sa lalaking yun tapos makikita ko, magkausap kayo kanina --"

"Hindi kami magkausap." Hindi ko na sya pinatapos na pagsasalita dahil sumingit ako. Hindi naman talaga kami magkausap eh.

"Sorry baby." Matitiis ko ba naman tong lalakeng to?

"Okay na tayo. Let's just forget what happened, okay?" I smiled. Lumabas kami ng kwarto at kumain sa kitchen. Gutom na rin ako ah? Parang hindi ako pinakain ng ilang linggo.

Umalis na si Ivan after naming kumain kasi may gagawin pa daw sya. Hindi naman nya sinabi sakin kung ano yun pero okay lang kasi I trust him.

--
Kinabukasan, walang pasok kaya naman late ako nagising. I've had my brunch at tumawag sakin si Rae. Gala daw kami dahil bored na daw sya kasi may ginagawa daw si Daryl.

Wala si Rae sa bahay dahil may pinuntahan kanina habang natutulog pa ako kaya ayan, magkita na lang daw kami sa mall na pagaari ni Chiny. Titingnan ko na rin yung boutique ko dun kasi ilang weeks na rin akong hindi nakakadalaw dun.

Kumain kami ni Rae sa Classic Savory at nanonood ng movie. Horror movie pa ang gusto ng bruha. Kala mo kung sinong matapang eh.

Habang nasa loob kami, parang boses na lang ni Rae na sigaw nang sigaw ang maririnig mo. Nakakatakot naman at napapasigaw din ako minsan pero yung sa kanya, akala mo huling araw na nang pagsigaw at sinasagad nya lahat.

Paglabas namin ng sinehan, hindi sya makapagsalita dahil ang sakit daw ng lalamunan nya.

"Malamang, ginawa mo ba naman kasing roller coaster ride yung upuan mo kanina eh. Hahahaha!" Hindi ko mapigilang tumawa dahil sa mga pinaggagagawa nya kanina. Yun lang, hindi ko navideohan at naipakita kay Daryl.

STILL MY MVP (Arcadia Series #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon