Jazrille's POV
Dalawang taon din akong nawala. Ngayon na ang tamang oras para bumalik at ipaliwanag ang lahat sa kanila lalo na kay Ivan. Handa na akong balikan sya at ituloy ang relasyon namin na nawala.
Nandito ako ngayon sa Arcadia University dahil inaayos ko ang papers ko pagttransfer. Nakatapos ako sa Paris ng Tourism at napatakbo ko ang company namin nang dalawang taon. Ngayong taon, ibibigay na ata ni daddy ang company sa pamilya ni Rae.
Iba na ang course ko dito sa AU. Business Administration Major in Marketing ang kinuha ko dahil sabay na kami ni Kuya Van na ihahandle yung company.
Alam ni Kuya lahat ng nangyari sakin nung nakaraang dalawang taon. Kasama ko sila ni Gian dahil sila ang tumulong sakin nung mga araw at buwan na hindi ko kinaya ang depression dahil sa paghihiwalay namin ni Ivan. Minsan pumupunta dun sila Rae para bisitahin ako nang walang nakakaalam.
Ngayon, 1st year ako sa Arcadia. Hindi na credit yung ibang subject na nakuha ko na kaya naman umulit ako ng first year. Hindi naman ako nakapag debut as in yung party nung 18th birthday ko dahil malulungkot lang ako. Papasok na ako dito bukas kahit malapit na mag July.
Kahit bumalik yung sakit nung una pagkakakita ko Ivan na kasama na si Cheska, mas pinili ko parin dito. Kahit alam kong sasaktan ko lang ang sarili ko, gusto kong itama lahat ng pagkakamali ko noon.
Umuwi na ako sa bahay namin. Gusto ko mang puntahan ang safehouse pero baka nandun lang sila Ivan. Hindi ko sya kayang makita ngayon. Akala ko kaya ko magmove on nung dalawang taon na yun pero hindi pala. Sya at sya parin ang hinahahap ko.
"Alam kong susundan mo ako sa Paris Jazrille, iintayin kita. Wag kang magalala, hindi ako galit sayo. Siguro ito din ang plano ni God para saatin."
Naalala ko na naman yung sinabi ni Sab nung nasa airport kami. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga sinabi nya sakin. Naiiyak na lang ako sa tuwing naalala ko yung mga nangyari sa akin sa loob ng dalawang taon pero masasabi ko na nakapagpatatag ito sakin.
Pumunta ako sa kwarto kung nasaan ang lahat ng mga bagay na binigay saakin ni Ivan. Hindi ko kayang itapon ang lahat ng ito. Kahit yung singsing na binigay nya sa akin nung 16th birthday ko, suot ko parin.
Si Dream, niyakap ko na lang sya. Nakakainis. Umiiyak na naman ako pero hindi dahil magbbreak kami kundi dahil gusto ko syang bumalik.
Dinala ko sa loob ng kwarto ko si Dream. Itinabi ko sya sakin dahil sya na lang ang meron ako ngayon. Walang Ivan na magpapatahan sakin.
Habang yakap ko si Dream, nakita ko sa ibabaw ng table ko yung box na bigay sakin ni Ivan. Yung "open when". Naiwan ko pala sya dito sa Pilipinas.
Hinanap ko yung "open when you're crying."
Baby, honest ka ba nung binuksan mo to? Hahahaha! Joke lang. Wag ka nang umiyak. Wala ako dyan para punasan ang mga precious tears mo. Isipin mo na lang yung mga magagandang memories natin. Wag mong isipin kung ano man yang problema mo na nagpapaiyak sayo ha. Kapag tao naman ang nagpaiyak sayo, sumbong mo sakin. Ako na ang gagawa ng paraan para lang maiganti kita. Wag ka nang umiyak ha. Mahal na mahal kita.
Pano ko mapipigilan ang pagiyak ko, kung pati sa letter pinapaiyak nya ako. Hindi parin talaga nagbabago ang nararamdaman ko para sayo. Kahit ata 10 years tayong hindi magkita, ikaw parin.
Kinabukasan..
Nandito ako sa office ni Ate Vanah. Buti hindi sya galit sakin at alam nya rin ang lahat. Sinabi ko sa kanya na wag nyang sasabihin kay Ivan kasi sayang naman yung effort ko nung mga nakaraang taon diba. Masaya na si Ivan kay Cheska ngayon.
BINABASA MO ANG
STILL MY MVP (Arcadia Series #1 Book 2)
Ficțiune adolescențiJazrille left the love of her life for his own good. And now that she came back for him again, will their lost love find it's way back to them and live a happy ever after? MY CONTRACT BASKETBALL PLAYER BOYFRIEND BOOK 2! Start: September 7, 2014 Ende...