Chapter 20

1.9K 29 0
                                    

Jazrille's POV

Every one in school is very busy. Pasahan na kasi ng requirements kaya naman lahat ng estudyante ay kanya kanyang gawa ng mga dapat ipasa.

Natapos ko na yung sa akin kaya naman chill na chill ang ganap ko ngayon. Tinitingnan ko nalang ang mga classmates kong haggard na sa kakatakbo at kakahanap ng prof para lang makapagpasa on time.

While Ivan's still on practice for the second game, I am still here in the classroom waiting for him. Wag daw akong lalabas ng school hangga't hindi sya kasama. I don't know why he's acting this way.

Since wala naman akong gagawin, pumayag na ako. Hindi naman masama na maghintay ako sa kanya hanggang sa matapos ang practice nila diba? Pumunta muna ako sa cafeteria para bumili ng milk tea. Pagkatapos noon ay napagdesisyunan kong puntahan ang gym kung saan sila nagpapractice. Hindi naman ako magpapakita sa kanya. Gusto ko lang syang makita habang seryosong naglalaro para sa game nila.

Umupo ako sa pinakadulo ng bleachers ng dahan dahan para hindi nya ako mapansin. Ayokong maistorbo sila nang dahil lang sa pagpasok ko. Habang busy sila sa paglalaro ay naisipan kong itext sila Rae na hindi muna ako sasabay sa kanila.

Kukuhanin ko na sana yung milk tea na nasa tabi ko para uminom nang maramdaman kong wala na iyon sa pinaglagyan ko. Pagtingin ko..

"Why are you here?" Nakangiting tanong nya sa akin kaya naman nahawa ako ng ngiti nya. Pawis na pawis sya pero ang bango nya parin.

"How did you know that I'm here?" He just smirked at me at tsaka ulit uminom ng milk tea.

"Of course. I know every little thing about you. Alam ko ang bawat yapak mo, ang bawat tawa mo, ang lahat lahat tungkol sayo. Kahit nakapikit ako or kahit sa malayo ka pa nakapwesto, malalaman ko parin na ikaw yun." Humiga ako sa lap nya at tsaka ko sya tinitigan.

"Sweet mo ngayon ah? Anong meron?" Napatawa sya sa sinabi ko. Hindi sya madalas tumawa kapag ibang tao ang kaharap pero kapag ako na, labas lahat ng ngipin nya.

"Seriously, Jazrille? Napaka sweet mo talaga. Galing manira ng momentum." Biglang sumeryoso ang mukha nya at tsaka tumingin sa akin.

"I don't want you to watch the second game." Seryoso pero halata mo ang lungkot sa boses nya. Bakit naman kaya?

"Why, baby?" I just wanna know the reason. Okay lang na hindi ako manood ng game. Alam kong may importanteng rason kung bakit ayaw nya.

"I will tell you after the game. Magstay ka lang sa bahay mo, okay lang ba?" It's not okay pero para hindi na sya magalala para sa akin, sumang ayon nalang ako.

Natapos ang practice nila at hinatid nya ako sa bahay. Bukas na kasi ang second game kaya naman pinauwi ko sya nang maaga para naman makapag pahinga sya.

Nag open muna ako ng facebook pero wala namang bago. Nagupload nalang ako ng picture namin ni Ivan habang nagpapahinga sila kanina sa practice. After that, naglog out na ako.

Kinabukasan.. Walang pasok dahil sa second game. Katulad ng sinabi nya, hindi ako lumabas ng bahay. Tinawagan naman nya ako habang nasa bahay sya at magkatext naman kami bago magstart ang laro nya. Syempre, sinabihan ko rin sya ng goodluck. Kayang kaya naman nilang ipanalo ito ngayon eh.

Sa salas ako nanonood dahil ayoko sa kwarto. Feeling ko para akong magisa dahil wala yung mga pinsan ko rito. Nasa school pa sila at feeling ko, manonood sila ng game, live pa. Naghanda na muna ako ng makakain habang naghihintay mag start ang game. Nasa kusina ako nang may biglang nag doorbell. Alam ko naman na bubuksan na iyon ng mga maids kaya naman hindi na ako nagabalang magmadali sa ginagawa ko.

STILL MY MVP (Arcadia Series #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon