Ivan's POV
Usap usapan sa school ang naging performance namin kagabi. Most of the students are still in the memory of last night kaya naman sa tuwing makakasalubong nila ako, tumitingin sila. Hindi ko nalang sila pinansin at ipinagpatuloy ang klase ko.
"Si Sir. Nililigawan pa si Dra. Klareena." Pangasar sa akin ng mga estudyante ko. Tangina. Paniguradong makakarating ito kay Ate Vanah at pagtatawanan ako nun. Si Honey? Pinsan ko sya! Gusto kong ipagsigawan na pinsan ko si Honey at tigilan nila ang pangaasar nila sakin but I kept my mouth shut. Okay nang si Honey ang paginitan nila kaysa si Jazrille.
Jazrille was silent the whole time. Gusto ko syang tawagin para magrecite but I refused. Ayokong mapahiya sya sa klase kapag wala syang naisagot. Natapos ang huling klase ko at dumeretso kaagad ako sa parking lot. I will wait for her here.
Magsasara na ang school pero wala akong nakitang Jazrille na lumabas. Saan naman dumaan yun? Hindi naman sya dumadaan sa ibang gate dahil wala naman doon ang kotse nya. Wait.. Did she bring a car earlier? Hindi ko napansin ang kotse nya dito sa parking lot so I am not sure! Napakatanga, Ivan.
Pasakay na ako sa kotse ko nang biglang tumawag sa akin si Martin. Ano namang problema nito at tumatawag?
"Oh, bakit?" Bungad ko kaagad sa kanya. Nasa loob na ako ng kotse ko at hinihintay nalang ang sagot nya. Inulit ko ang sinabi ko hanggang sa makasagot sya.
"Cheska's here in the hospital! Bro, manganganak na sya!" Nataranta ako sa sinabi nya. Binigyan naman nya sa akin ang pangalan ng hospital at nagmadali akong pumunta doon. Nakita ko sa Martin sa waiting area habang hindi mapakali. Kung normal na araw lang ito ay malamang, pinagtawanan ko na sya sa itsura nya.
"Ilang oras na syang nandyan?" Hindi ako pinansin ni Martin kaya naman hindi na ako nagtanong. I called Ashley para ibalita sa kanya na manganganak na ang pinsan nya. She came alone because Ethan is in the office pa daw. We waited for hours hanggang sa lumabas na ang doctor na nagpaanak kay Cheska.
"They will be transferred in a private room. They're just cleaning the baby. Congrats, it's a boy." Hindi mapigilan ni Martin ang maluha. This is the time that he's been waiting for. Umalis muna ako para bumili ng makakain namin at tinawagan si Bench na magpadala ng mga fruits para kay Cheska. Nang makabalik ako doon ay sinabi ng nurse na nailipat na nila si Cheska pati yung baby sa private room.
Nakasalubong ko pa si Bench kaya naman sabay na kaming pumasok. Gising na si Cheska habang kalong nya ang baby nya. Katabi nya naman si Martin na nakatitig at umiiyak parin dahil sa anak nya. Naramdaman naman nila ang presensya namin kaya naman ibinigay ni Cheska yung baby kay Martin.
"Sige na, kalungin mo." Hesitant pa si Martin noong una at halatang kinakabahan pero nang makalong na nya yung anak nya, umiyak na naman sya. Nakangiti naman si Ashley habang pinagmamasdan ang pinsan nya.
"Ivan." Narinig kong tawag sa akin ni Cheska. I looked at her and tears started to fall from her eyes. I immediately wiped it from her face. Kahit naman papaano ay naging mabuti sa akin si Cheska. Sya man ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Jazrille, hindi ko kayang magalit sa kanya ng ganoon katagal. Maybe because, she's a friend.
"I'm sorry. I'm very sorry." Hinayaan ko syang umiyak habang pinapaulit ulit nya ang mga katagang yan. I can't blame her. Nagmahal lang sya. Nagmahal lang sya ng lalaking akala nya ay mamahalin sya pabalik.
"I'm sorry for ruining you and Jazrille. I just loved you. Masyado lang kitang mahal kaya nagawa ko iyon. I'm sorry for hurting you. I'm sorry." I accepted her apology dahil tapos na rin naman iyon. Hindi na maibabalik ang nakaraan kaya mas mabuting kalimutan nalang. Nakatulog sya sa pagiyak nya at kinuha na ng nurse ang baby para ilagay sa nursery.
BINABASA MO ANG
STILL MY MVP (Arcadia Series #1 Book 2)
Teen FictionJazrille left the love of her life for his own good. And now that she came back for him again, will their lost love find it's way back to them and live a happy ever after? MY CONTRACT BASKETBALL PLAYER BOYFRIEND BOOK 2! Start: September 7, 2014 Ende...