Chapter 21

1.7K 25 5
                                    

Jazrille's POV

"What?" Hindi ko maintindihan. Kailan pa naging dangerous ang panonood ng basketball?

"Pinagbantaan kami ng captain ng kabilang team. If we did not give up the second game, mapapahamak kayo. Kaya hindi kami pumayag na manood kayo ng second game cause it's dangerous." What? May ganoon na nangyayari sa basketball? Just because they wanna win, the will hurt other people?

"Why?" Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon. Bakit kailangan nilang manakit para lang sa pagiging champion?

"I don't know either. Kaya wag kang lalabas ng campus nang magisa. Dapat kasama mo ako or kahit body guards." My gosh. Ayoko ng body guards.

"Ivan, are you okay?" Gusto kong makasigurado na maayos sya. Ayokong mapahamak sya nang dahil lang sa basketball. They deserve to win.

"I'm fine, by. Ayoko lang na may mangyari sayo at sa mga pinsan mo. We care about all of you, so much." He hugged me from my back and kissed my head. Bumalik na kami sa loob at tsaka nagpatuloy sa pakikipag kwentuhan sa kanila. Ang saya at sana ganito na lang kami palagi.

Nakalipas ang ilang araw pagkatapos ng pagkapanalo ay naghahanda naman ang school para sa gaganapin na victory party. Tapos na ang finals kaya naman chill na ang ganap ng mga estudyante dito ngayon. Naghihintay nalang sila ng sembreak at itong victory party. Nandito kami ngayon sa safe house dahil mamaya pa naman yun magsisimula. Syempre, mawawala ba ang mga basketball players ng team namin?

"Jazrille. Sumama ka muna kila Ashley mamaya. Isama nyo na din si Nathan at si Gian. Kailangan may kasama kayong lalake mamaya." Sabi sa akin ni Ethan habang nasa kusina kami. Kumukuha kasi kami ngayon ng makakain dahil nanonood kami ng movie.

"Ethan. I'm fine. Hindi ko kailangan ng bantay, okay?" Hindi ko naman talaga kailangan. Ilang araw na ang lumipas pero mukhang wala namang balak gumanti iyong naging kalaban nila sa basketball.

"Just to make sure, Jaz. Ibinilin ka rin kasi sa akin ni Ivan. Alam mo na, mamaya all the players will be so busy. Baka hindi ka nya masamahan." Doon ako nalungkot. Victory party namin mamaya pero nakahiwalay sila sa amin. Mas masaya paring manood ng mini concert kapag kasama mo yung taong gusto mo, diba?

"Hindi ba kayo pwedeng sumama sa amin after the program?" Mahinang tanong ko kay Ethan. Ginulo lang nya ang buhok ko at tsaka nagsalita.

"I don't know, Jaz. Maybe." Umalis na sya at bumalik na entertainment room para manood ng movie. Hay! Ivan's not here. Kasama sya ni Ate Vanah para mamili ng banda na kasama para sa line up mamaya.

Natapos ang movie at nagpasyahan naming pumunta na ng school. Pagkarating namin doon ay namangha kami sa nakita namin. Ang ganda ng ayos nito ngayon. Parang nasa park dahil sa mga nagtitinda ng ice cream at cotton candy.

Nawala na sila Ethan dahil pinatawag na sila sa office para maghanda. May parade pa kasi sila at tsaka sila muling ipakikilala sa buong Arcadia Community. Hindi ko alam kung makakasama ko pa ba si Ivan mamaya or kaming girls lang ang magcecelebrate dito.

"Picture tayo, girls!" Sabi ni Ashley kaya naman kumuha pa sya ng isang estudyante na magpipicture sa amin.

"Hay, sana kasama ko si Ethan mamaya." Napatingin ako sa sinabi nya dahil parehas kami ng nararamdaman.

"Minsan, ayoko nalang syang maging basketball player. Naisip ko kasi, maraming babae. Mas maganda, mas matalino, mas mayaman. Paano nalang kung may makita syang mas higit pa sa akin. Pero naisip ko, si Ethan naman yan. Hindi ako ipagpapalit nyan kung kani-kanino lang." Tumawa sya sa sarili nyang sinabi. Inaamin ko naman na hindi nawawala ang mga ganoong bagay sa isip ko. Paano kung makahanap pa sya ng iba? Hindi lang naman ako ang babaeng nakapalibot sa kanya eh.

STILL MY MVP (Arcadia Series #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon