Chapter 2

3.1K 53 6
                                    

Jazrille's POV

Sino naman kaya tong Nathan Lee na to? Bigla bigla na lang sumusulpot kung saan saan. Kabute ba to?

"At your service? Close ba tayo?" I asked him. Naguguluhan ako sa kanya.

"Im willing to be your friend." Tapos dumikit sya sakin. "And now, close tayo." Naitulak ko sya at sabay kaming tumawa. Hindi ko alam kung bakit ako tumawa pero natawa na lang ako.

"So, we're friends now?" I just smiled at him. Hindi naman siguro magiging masama kung magiging friend ko sya. "Sure."

Sabay kaming naglakad dahil pupunta na ako sa subject ko. Ayoko nang umiyak ng umiyak dahil nakakapagod at wala namang mababago kung iiyak pa ako.

Napapansin ko lang ha. Ano bang meron sa lalaking 'to at masyadong head turner? Kanina pa kami pinagtitinginan or should I say, kanina pa sya pinagtitinginan ng mga students dito.

"Hi Nathan. Ang pogi mo talaga."
"Hi Nathan. Nasaan si Ethan?"
"Hi Nathan, ang cute mo"

Hi Nathan here, hi nathan there. Grabe artista ba to?

"Hindi ko alam na sikat ka pala dito." Napatingin sya sakin. Ngumiti lang sya. Infairness, ang gwapo nya.

"Im a Lee, what do you expect?" Lee? Parang narinig ko na ang surname na yan. Napakunoot ang noo ko sa sinabi nya.

"Do you know Ethan?" Si Ethan? Oo naman. Asawa ni Ashley yun eh. Tumango naman ako sa tanong ni Nathan.

"I'm his cousin." Napa ah na lang ako sa sinabi nya. Ang cool naman ng names nila. Magkakatunog hahahaha!

"Tara na nga, malelate na tayo." Naglakad na kami ulit at gaya nga ng sinabi nya, nalate ako -- kami?

"Mr. Lee, late ka na naman!" sigaw ni prof. Wala man lang pake si Nathan dahil dumeretso lang sya sa seat nya. So classmates pala kami.

"Goodmorning Miss. Sorry if I'm late." Tumingin lang sya sakin at tska umirap. Galit ba sa magaganda to? HAHAHAHAHA JOKE.

"Introduce yourself new student." Introduce na naman? Nakakasawa ha. Humarap ako sa mga classmates ko at nakita kong nakatingin saakin si Nathan.

"Im Jazrille --" Napatigil ako sa pagsasalita dahil may late na pumasok. At kapag minamalas ka nga naman, si Ivan pa. Classmate ko sya dito. Gosh!!

Katulad ng ginawa ni Nathan, dumeretso din sya sa seat nya nang walang sinasabi.

"Please continue." So I did.

"I'm Jazrille Rain Ramos, 18." pagkatapos nun, umupo ako sa tabi ni Nathan. Jusko, kinakabahan ako hindi dahil mataray ang prof ko kundi classmate ko si Ivan. Pang first year ang subject na to pero bakit ko sya classmate? Bumagsak ba sya?

Aish! Jazrille, please makinig ka sa prof!

"Okay! I'll give you assignments na lang dahil may meeting pa ako ngayon." Sinulat nya sa white board yung assignment daw namin. First day ko pa lang assignment na kaagad.

After noon, lumabas na si prof. Lumabas na din yung iba kong classmates kaya naman naiwan ako dito kasi nagaayos pa ako ng gamit. Wala na naman si Ivan. Buti na lang talaga.

Lalabas na sana ako ng classroom pero nung bubuksan ko na, ayaw! Peste naman! Bakit nakalock to? AISH!!

"Pakibuksan naman yung door! May tao pa dito!!" Hinampas ko nang hinampas yung door baka sakaling may makarinig sakin pero wala! Ako lang magisa dito!!

"HELLO!! MAY TAO PA PO DITO! PAKIBUKAS YUNG DOOR!!" Napapagod na ako kakasigaw. Shet naman wrong timing! First day ko palang, absent na kaagad ako.

STILL MY MVP (Arcadia Series #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon