Chapter 6

2.8K 42 7
                                    

Jazrille's POV

Hanggang ngayon, nagtataka at nagiisip parin ako kung sino ang possible person na magbigay sakin non. Pero wala namang pumapasok sa isip ko. Wala naman din kasing mga lalaki dito sa university ang nagtatangkang lumapit sakin at hindi ko alam kung bakit ganon.

Mula nang makabalik ako dito, si Nathan lang ang naglakas ng loob na kumausap sakin.

Bukas na ang acquaintance party na sinasabi ni Nathan na for seniors daw. Sa bagay kailangan naman nila ng enjoyment dahil sobrang stress ng pagiging graduating student.

Nandito ako ngayon sa room ko at namimili ng damit na susuotin ko para bukas. Unluckily, wala naman akong makita. Hindi ko naman alam kung anong kulay ng suot ni Nathan kaya wala akong idea kung ano ang kulay nang sakin.

Habang nakaupo ako sa gilid ng kama ko, may nag doorbell sa labas. Syempre, dahil ako lang magisa dito sa bahay namin, ako na ang lumabas. May mga bantay naman sa tapat ng gate namin incase na may masamng mangyayari.

Paglabas ko, isang malaking box ang bumungad sakin. Magandang box at alam mong mamahalin. Ipinasok ko na sa loob syempre alangan namang titigan ko sa labas yun diba. I opened the box and saw a cocktail dress. Gosh! This is so beautiful! Isang gray na cocktail dress na above the knee. Hindi ko maipaliwanag!

Napansin kong may note na kasama yung box.

"Wear this tomorrow, Jazrille."

Wala namang nakalagay na name pero feeling ko si Nathan ang nagbigay. Dinala ko na yung dress sa room ko at sinabit ko sya sa closet ko.

Hindi ko na nahintay sila Rae kaya naman natulog na ako.

Kinabukasan, busy ang lahat ng senior student sa campus dahil gaganapin na ang party nila mamaya sa auditorium. Yung iba hindi na pumasok, yung iba nagaayos ng venue nila. Ako naman, nandito sa room ng team namin dahil may laban daw kami bukas. Simula na pala ng tournament ngayong taon.

Ilang araw na din naman akong nakapag practice kaya naman hindi ako masyadong kinakabahan. Hindi nila alam na sumali ako dito dahil gusto ko silang isurprise lahat.

Cut na daw ang klase ngayon dahil sa gaganaping party mamaya. Umuwi na ako dahil wala naman na akong gagawin dito.

Papasakay na ako ng kotse ko nang biglang nagtext si Nathan.

From: Nathan The Great (Sya po nagpangalan nyan sa sarili nya)

I'll fetch you later Jazrille. Mag ayos ka ha! Ayokong magmukha kang alalay ko mamaya.

Ang yabang talaga nito!

To: Nathan The Great

Wag kang feeling jan. Asahan mong mapapanganga ka sa itsura ko mamaya.

I send my message then drove to our house. Nagpadala pa si mommy ng mga stylist nung nalaman nyang may pupuntahan akong party. Alam nyo naman na dalawang taon kong ginugol ang sarili ko sa pagaaral at wala akong naging social life nung mga panahong yun. Bahay-school lang ang routine ko everyday.

Pagdating ko sa bahay, nasa loob na ang mga stylist na pinadala ni mommy.

"Miss Jazrille, kami po ang pinadala ng Mom mo para ayusan po kayo." I just smiled at them at pinasunod sila sa kwarto ko.

Sinimulan na nila akong ayusan after kong maligo. HA NATHAN! KAKAININ MO LAHAT NG SINABI MO SAKIN.

Pinaghandaan ko talaga itong gabing to. Syempre ayoko naman na mapahiya si Nathan mamaya at ayokong sabihan ako ng kanung ano ano ng mga fangirls nya.

STILL MY MVP (Arcadia Series #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon