Jazrille's POV
Pinabayaan ko na si Kuya sa kung ano man ang gusto nyang mangyari sa kanila ni Ate Vanah. They can handle their selves.
Kinabukasan.. Hinatid ako ni Kuya sa loob ng school dahil pupuntahan nya ata si Ate Vanah sa office nya. Hahaha! Akalain mo yun, si Kuya nanliligaw kay Ate Vanah? Eh mukhang trabaho yan eh. Ayaw paawat!
Pinagtitinginan sya ng mga estudyante at akala pa ng iba eh boyfriend ko si Kuya. Nakaakbay ba naman kasi sa akin na akala mo may aagaw sa akin anytime!
Yung ibang dumadaan ay may hawak na phone at tsaka ako tinitingnan tapos nagbubulungan pa. What's with these people?
Hindi pa kami nakakarating sa office ay may humarang na mga babae sa amin.
"Totoo ba ito, Jazrille?!" Galit na sigaw nung babae.
"Niloloko mo ba si Ivan at kasal ka na sa lalaking yan?!" Sabi naman nung isa. What?! Anong kasal?
Pinakita nya sa akin ang phone nya at kumakalat lang naman sa facebook ang picture namin ni Kuya kahapon sa mall habang hinahalikan nya ang kamay ko! What is the meaning of this!
Binuksan ko ang profile nung babaeng nagpost at nakita kong sya yung babaeng ayaw humiwalay kay Kuya. Binasa ko ang post nya.
This is my fucking liar boyfriend. Hindi nya sinabi sa akin na he's married with a girl named Jazrille Rain Ramos. Ayan girl, hindi ko kinalimutan ang pangalan mo! Magsama kayo ni Van Ramos na asawa mo. Mga walang hiya!
Nakakainis! Nag iinit ang ulo ko sa babaeng yun. Hindi ko alam na ganyan pala sya kababaw para ipost pa ito sa social media! Pinabasa ko kay Kuya ang ginawa ng babae nya pero wala syang pakialam. Kainis talaga! Agang aga, naninira ng mood!
"So who's this guy, Jazrille?" Sabi ng malditang 'to. If I know isa 'to sa mga babaeng ayaw sa relasyon namin ni Ivan kaya ganito nalang 'to kung makapagtanong.
"Van Steven Ramos." I answered their question. That's an easy one. Nagulat ang mga babae sa sinabi ko at nagbulungan na naman sila. The bees and their imbecile Queen.
"So you're cheating?! How dare you?!" Sasampalin na nya dapat ako pero napigilan ni Kuya ang kamay nung babae.
"Touch her and you'll regret this." Hinila naman nung babae ang braso nya kay Kuya.
"Malandi ka talaga, Jazrille! Akala ko nagbago ka na!" Napatawa ako sa sinabi nya.
"Napaka chismosa mo naman. Ganyan ba ka-boring ang buhay mo at pati buhay ko pinag-iinitan mo?"
Hindi pa nakakasagot yung babae nang biglang dumating si Ivan. Napangiti ang mga babaeng 'to at agad agad lumapit kay Ivan.
"Jazrille is cheating on you." Nakatayo lang kami dito ni Kuya at hinihintay ang sagot ni Ivan.
"What?!" Inis na tanong nya. Pfft. Susubukan sanang hawakan nung babae ang kamay nito pero agad namang umiwas si Ivan. Good.
"Where did you get that fucking news?" Naglakad si Ivan at nilampasan ang mga babaeng nakapalibot sa kanya. Hinabol naman sya ng mga babae at ipinakita ang phone nito kung saan nandun ang nakasulat tungkol sa akin.
Nang mabasa nya ay ibinalik nya ang cellphone.
"This is not true." Nagawi ang tingin ni Ivan sa amin ni Kuya kaya naman nilapitan nya kami.
"Ayan! Ayan ang asawa ni Jazrille! Hindi mo ba napansin, Ramos ang apelyido ni Jazrille at Ramos din ang apelyido ng lalaking yan! Mag asawa sila at niloloko ka lang nya!" Sigaw ni Queen Bee pero hindi sya pinansin ni Ivan.
BINABASA MO ANG
STILL MY MVP (Arcadia Series #1 Book 2)
Teen FictionJazrille left the love of her life for his own good. And now that she came back for him again, will their lost love find it's way back to them and live a happy ever after? MY CONTRACT BASKETBALL PLAYER BOYFRIEND BOOK 2! Start: September 7, 2014 Ende...