Jazrille's POV
A dinner? Nangiinis ba itong si Cheska? Alam nyang wala na kami diba? Bakit ganyan sya umasta? I looked at Nathan.
"Do you want to join?" I asked. Inakbayan nya ako. Ano bang ginagawa nito?
"If you want, then let's go." Pumasok kami sa kanya kanya naming sasakyan at pumunta dun sa venue ng dinner nila.
Nagbago si Cheska. Sa kinikilos nya pa lang ngayon sakin, nagbago sya. Siguro dahil na rin sa katotohanan na may pagasa na sila.
Wala ka nang babalikan Jazrille. Si Cheska ang fiance ni Ivan at magpapakasal sila. At mukhang mahal na ni Ivan si Cheska.
Naalala ko na naman ang mga sinabi ng magaling nyang Lolo two years ago. Sumasakit ang ulo ko kapag naalala ko ang mga pangyayaring yun.
"Sure ka bang kaya mong sabayan sila sa pagkain?" He asked. Napatingin ako sa kanya. Kaya ko nga ba?
"Well, I need to try atleast. Para masanay na din siguro ang mata at ang utak ko na makita silang magkasama. Masayang magkasama."
"Paano naman ang puso mo? Kailan kaya masasanay na wala na sya sayo?" Napapikit ako sa narinig ko. Hindi naman kasi madaling magmove on eh.
"I don't know. Pero sana masanay na ito dahil wala nang kami at hindi na maibabalik yung dating kami." Yun nga ang dapat kong simulan. Ang kalimutan ang lahat ng mayroon kami, noon.
Nakarating na kami sa isang restaurant. Pagaari at ito ng pamilya ni Cheska.
"Order na kayo guys. Since this is our first double date, my treat." Tumingin sya sakin tapos ngumiti. Ngumiti sya na parang kaaway nya ako. Ngiting parang may ipinagmamalaki sya sakin.
"You don't need to treat us Cheska." Sabi ko naman. Kung nagbago sya ng pakikitungo sakin, edi babaguhin ko din yung akin. Hindi ako magpapatalo sa kanya. Pride ko na lang ang meron ako ngayon at hindi ko hahayaan na tapakan nya yun.
"And why is that? Ako ang nagyaya so it's my treat." I smiled. Kakaiba ka umarte ha.
"No need. I have my own money. Baka ikahirap mo pa kung hindi ako magbabayad dito." HA! Ano ka ngayon. Napakunoot ang noo nya sa sinabi ko.
"Hahaha. Wag kang magalala, hindi ko ikakahirap to. Makukuha at makukuha ko parin ang mga gusto ko." Tumingin sya kay Ivan at tsaka ngumiti. Peste. Wag kayo sa harap ko maglandian.
"Okay. If that's want you want. If you'll excuse me, punta lang akong powder room." Tumayo ako. Hindi ko parin kaya na nakikita silang malapit sa isa't isa. Masakit sa mata.
Pumasok ako ng powder room. Inayos ko yung sarili ko at tska nagisip isip. Ayoko nang pahirapan ang sarili ko pero gustuhin ko mang magmove on, ayaw ng puso ko.
Nakakainis. Nakausap ko na sya pero bakit ang hirap parin sakin na pakawalan sya?
Habang nagaayos ako dito, bigla namang pumasok si Cheska. Hindi ba nya talaga ako tatantanan?
"What do you need? Bakit bumalik ka pa?" She asked me. Ang kapal naman ng mukha nya para itanong sakin yan.
"You don't care kung bumalik man ako or manatili sa Paris. Bakit ba ang hilig mong mangialam?" Hindi ko dapat sya pinapatulan pero nakakainis kasi.
"Wag na wag mo lang kaming guguluhin ni Ivan. Sinasabi ko sayo, hindi na kayo pwede dahil ako na ang mahal nya at kami parin ang magpapakasal sa huli." Napatawa ako sa sinabi nya.
"Talagang naniniwala ka sa kasalan nyong yan? Goodluck sayo ha." Ngumiti ako at lumabas sa powder room.
Isa pa ito sa nalaman ko nung nasa Paris pa ako. Ang tungkol sa kasal na magaganap sa pagitan nila ni Ivan.
BINABASA MO ANG
STILL MY MVP (Arcadia Series #1 Book 2)
Teen FictionJazrille left the love of her life for his own good. And now that she came back for him again, will their lost love find it's way back to them and live a happy ever after? MY CONTRACT BASKETBALL PLAYER BOYFRIEND BOOK 2! Start: September 7, 2014 Ende...