Ivan Ramirez

1.7K 29 0
                                    

"Wanna have dinner with me?" Tanong ko sa kanya after naming ihatid si Sabrina sa airport dahil aalis na sya. Alam kong sobrang malungkot si Jazrille at gusto ko lang pagaanin ang loob nya. I want her to be happy.

Kumain kami pagkatapos noon. Nagpunta rin kami sa bahay nila nang gabing yun. Nahiga sa rooftop kasama nya habang tumitingin sa mga bituin sa langit.

"Paano kung isang araw, magising ka na lang nang wala na ako sa tabi mo, anong gagawin mo?" Kahit kailan hindi ko naisip na iiwan nya ako. Hindi ko pinaghahandaan ang mga ganitong pangyayari dahil alam ko, may dumating man sa amin, hindi nya ako iiwan. Sabay kaming lalaban.

"Hahanapin kita, syempre. Tapos pagpapaliwanagin kita kung bakit mo ako iniwan. Pero kung para sa kaligayahan mo yun, hahayaan kita. Mas gusto kitang nakikitang masaya." Hindi sya sumagot sa sinabi ko at nakatitig parin sya sa langit.

"Pero alam ko namang hindi mo gagawin sa akin yun eh." Hinigit ko sya dahil gustong gusto ko syang yakapin. Alam kong may problema sya at ayaw nyang sabihin. Ayoko naman syang pilitin na sabihin nya sakin. Gusto kong sabihin nya sa akin ang problema nya kapag handa na sya. Mahal ko sya eh. Mahal na mahal.

Naghanda ako isang gabi para sa dinner date namin sa isang yate. I want to propose. Alam kong sobrang aga pa pero hindi ko kayang makita pa syang masaya sa iba.

Dumating sya. Dumating sya at bigla nya ako niyakap. "I miss you, Ivan."

Niyaya ko syang kumain. I asked her if she's fine and she is. Habang kumakain kami, bigla syang nagsalita. Ang sabi nya pinapapunta na sya ng parents nya sa Paris. Hindi ko alam ang irereact ko sa sinabi nya.

"For vacation? Sama naman ako." Yan nalang ang sinabi ko kahit sa loob loob ko, kinakabahan na ako. Nang marinig ko na she will stay there for good, bumagsak na lahat ng pag-asa ko na hindi nya ako iiwan.

Naiiyak ako at nahihirapan na akong magsalita. I can't let her go. I want to be with her. I told her that I will go with her but she said no. I don't know what's her problem kung bakit ayaw nya akong isama.

"Hindi ka pwedeng sumama, Ivan. Itutuloy ko ang pag-aaral ko dun at susundin ang mga pangarap ko." Bakit? Hindi ba nya ako pwedeng isama habang pinaghihirapan nya ang mga pangarap nya? I can't understand her!

"Dahil ayoko. Ayokong nandun ka. Naiirita ako dahil nasasakal na ako sayo. Ivan, please intindihin mo naman ako." Her words is like a knife. Sinasaksak ako nito nang paulit ulit. Hindi ko alam ang nangyari kung bakit naging ganito na lang kami bigla. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak sa harap nya.

I should be strong! I should be strong for her and for her dreams pero hindi ko magawa.

I love her so much. I am willing to understand everything about her but she will never understands me. I just wanna be with her but she can't give that to me.

"Magpapakasal kana sa iba. Hindi na rin tayo pwede. Mahalin mo sya." I can call that freakin engagement off just to be with you! I can't even look to any other girl cause I only want to look at you, only you. But why are you telling me to love her? Why are you telling me to look after her?

I kissed her goodbye. Mukhang wala nang makakapagbago ng isip nya. Kahit ako, ayaw na nyang pakinggan.

Lumakad ako papalayo sa kanya. I can't look at her anymore dahil baka magbago pa ang isip ko at hindi sya pakawalan.

It's supposed to be the happiest moment in my life but it turns out to be not.

Pumapasok ako everyday and Cheska's always with me everyday. Naiinis ako sa presensya nya dahil alam kong kagagawan nya ang lahat ng ito. Kagagawan nila ni Lolo.

STILL MY MVP (Arcadia Series #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon