Chapter 17

1.7K 33 3
                                    

Jazrille's POV

Nagising ako nang walang Ivan sa tabi ko. Nasan na naman kaya ang lalaking yon?

Hindi ko alam kung saan ako nagkaroon ng lakas ng loob itanong sa kanya kung bakit nasa kanya pa ang singsing naming dalawa. It was years ago and yet nasa kanya parin.

Bumangon ako at nagayos para makauwi na kami. Miss na miss ko na yong kama ko eh!
Napatingin naman ako sa nagbukas ng pinto. It was Ivan.

"What?" Tanong ko sa kanya nang makita kong nakatingin sya sakin.

"Kain na daw tayo sa baba. At yung kotse.. gawa na pala." Tumango na lang ako at hinigit nya ang kamay ko.

"Ang alam nila ay mag kaaway pa rin tayo." Tumango ako ulit at hindi sya pinansin. We're still not okay.

"Tell you everything? What?" Hindi ko naintindihan ang tanong nya kaya naman inulit ko ito.

"Kung bakit kayo magkasama ni Alfonso kanina." Ah. That.. I can't tell him the truth. Baka kung ano pa ang gawin nya kapag nalaman nyang muntikan na akong makidnap! Bibigyan nya ako ng sobrang daming body guards at kapag sinabi ko to kay kuya ay paniguradong sasakyan non ang trip ni Ivan.

"He just helped me. May bumangga kasi sakin kahapon na students at nalaglag lahat ng gamit ko so he helped me." Sana naman bumenta ang palusot ko.

"Really?" Hindi ko malaman kung may halo bang pagka sarcastic yung tono nya or ganoon lang talaga sya ngayon. Hindi ako sumagot sa tanong nya at ako naman ang nagtanong.

"Bakit nasa iyo pa yan?" I'm referring to the rings. Ang akala ko ay simula nang magkahiwalay kami, tinapon na nya rin yan.

"Nothing. I just wanna keep it." At tsaka ako tinulugan at hindi na ulit umimik. Something's wrong with us.

"Anong problema natin?" Hindi ko alam kung sasagutin nya ba ako or hindi nalang nya ako papansinin.

"Ikaw. Just tell me everything and everything's gonna be fine." He knows I cant.

"Just tell me everything Jazrille." Bakit? Oo alam kong kailangan na malaman nya na muntik na akong makidnap because he's my fiancé pero baka lumalala pa ang gulo.

Nanahimik na lang ako hanggang sa makatulog.

Naunang bumaba si Ivan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayoko namang bumalik kami nang magkaaway. Umalis kami ng magkaaway at babalik din ng magkaaway. This is nonsense!

Bumaba na rin ako at nagulat ako sa nakita ko. My gosh! Bakit puro mga magasawa ang mga kasama namin dito? Napangiti na lang ako ng pilit at tumingin kay Ivan pero hindi nya ako pinansin.

Umupo ako sa tabi nya at hindi sya pinansin. Bigla namang nagsalita si Miss Mia.

"Mag kaaway pa rin ba kayo?" Tanong nya habang kumakain kaming lahat kaya naman napatingin samin ang iba pang magasawa.

Hindi ako nakasagot dahil iniintay ko si Ivan ang sumagot.

"Ganito na lang. Para maaayos nyo yan, kami na lang ang gagawa ng paraan." What?! No!

Tumingin ako kay Ivan at tinitigan ko sya para malaman nyang tutol ako pero hindi na naman nya ako pinansin!

"Okay. Tumingin kayo sa isa't isa." What? This is a joke! I can't do this! Hindi ko ginawa ang sinabi nya.

"Just do it Jazrille." Nakatingin si Miss Mia sakin at halata mong gusto nya itong ginagawa nya. Tumingin na ako kay Ivan na nakatingin sakin.

"Ngayon, sabihin nyo ngayon kung anong nagustuhan o minahal nyo sa bawat isa. Kailangang ipaalala nyo sa isa't isa na kahit ano mang away ang dumating, hindi kayo susuko at mas mahalaga parin ang pagmamahal nyo." Gosh! No way! Not in front of these people!

STILL MY MVP (Arcadia Series #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon