Jazrille's POV
Hindi ako nakatulog nang ayos dahil sa mga sinabi nya. Pero diba, ayokong paasahin yung sarili ko. Ako lang rin naman ang masasaktan sa huli. Mas mabuti na lang siguro na hindi ko na lang pansinin ang sinabi nya.
Naghanda na ako para pumasok ng school. Alam kong medyo zombie mode pa ako. Ikaw ba naman kasi ang magisip ng mga bagay na nakakagulo sayo diba, hindi ka talaga makakatulog.
Nandito na ako sa gate at nagulat ako dahil nakatayo si Nathan doon. Sino naman kaya ang hinihintay nito? Hindi ko na sya tinawag at nilampasan ko na lang sya dahil mukhang hindi naman nya ako nakita.
Pero hindi pa ako nakakalayo nang bigla syang nagsalita.
"Ganyan ka ba sa mga taong naghihintay para sayo?" Lumingon ako sa kanya at tska ngumiti.
"Bakit mo naman ako hinihintay? Miss mo na ako?"
"Wag ka ngang mangarap dyan Jazrille. Sabi sakin ng mga pinsan mo, hintayin daw kita dito. Baka napano ka na daw." Ang paparanoid naman nila. Hindi na ako bata.
"So, tara na ba?" Naglakad na kami at sabay pumasok dahil sa pagkakaalam ko, classmates kami ngayon. Habang naglalakad kami sa hallway, napansin namin na ang daming nakaharang sa daan. May pinagkakaguluhan yata.
So biglang dakilang usisera, lumapit kami.
"Sa susunod kasi wag na wag mong lalapitan si Ivan!! Wala kayong karapatan!" Galit na sabi ni Cheska sa babaeng sinasabunutan nya.
"Wa-wala naman akong ginagawa. Nagpapicture lang po ako." Lumalala ang ugali ni Cheska. Ganyan ba sya ka-obsessed kay Ivan? Hindi ko napigilan ang sarili ko at sumali sa kanila. Gusto kong ipagtanggol yung babae. Nakakaawa sya sa mga ginagawa ni Cheska ngayon.
"Kawawa ka naman Cheska. Ganyan ka ba katakot na maagaw si Ivan sayo?" Napatingin ang lahat sa gawi ko. Nagulat ang iba. Nakakagulat ba ang makialam ako?
"Wow naman Jazrille! Anong ginagawa mo dito?" Sabi nya habang hawak pa rin yung buhok nung freshmen.
"I'm trying to save someone's life from hell." Naningkit ang mga mata nya sa sinabi ko. Sumosobra na talaga si Cheska. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ni Ivan sa kanya.
"Pwede ba? Mind your own business! Hindi ito ang business mo kaya umalis ka dito kung ayaw mong ikaw ang ipalit ko!" Nagpapatawa ba sya? Gumagawa sya ng eksena dito. Hindi sya reyna.
"Dear, wag kang gumawa ng eksena dito. Hindi ka ba nahihiya? Ginugulo mo ang tahimik na school ni Ivan. Mahiya ka naman." Napatahimik sya sa sinabi ko pero alam kong hindi sya magpapatalo.
Binitawan nya iyong babae at hinigit nya ako.
"Ang sabi ko sayo, wag kang mangialam. Lahat na lang ng bagay pinapakialaman mo. Wala ka bang ibang gustong gawin sa buhay mo?!" Hawak nya ang buhok ko. Hindi ako lalaban. Ayoko syang labanan. May sakit sya sa utak. Meron!
"Cheska! Bitawan mo si Jaz kundi malilintikan ka talaga sakin!" Hindi pinansin ni Cheska ang sinabi ni Nathan.
"Nathan, wag kang makialam dito!!"
"Ano bang problema mo Cheska!" Pinipilit kong tanggalin ang kamay nya sa buhok pero sobrang higpit nya kung humawak.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Bakit kasi bumalik ka pa! Dapat hindi ka na bumalik dahil ginugulo mo ang lahat! Ang lahat ng bagay na pinaghirapan ko!!"
"Cheska tama na yan!" Napatigil si Cheska sa biglang pagsigaw ni Ivan. Binitawan nya ang buhok ko at tsaka sinampal. That bitch! Gaganti na dapat ako nang biglang hinawakan ni Ivan ang kamay ko at tsaka hinila.
BINABASA MO ANG
STILL MY MVP (Arcadia Series #1 Book 2)
Teen FictionJazrille left the love of her life for his own good. And now that she came back for him again, will their lost love find it's way back to them and live a happy ever after? MY CONTRACT BASKETBALL PLAYER BOYFRIEND BOOK 2! Start: September 7, 2014 Ende...