"Napaka-epal naman!" Binato sa akin ni Jazrille ang box ng tissue na gamit nya dahil nanonood sya ng Miracle in Cell No. 7. Umiiyak na sya at hindi ko maintindihan kung anong ikinagagalit nito sakin. Nakatingin lang naman ako sa kanya. Anyway, she's 3 months pregnant! We've done it so many times pero ngayon lang nakabuo!
"Ano ba, Ivan?! Nasaan na yung mangga dito?" Nakasigaw na naman sya. Grabe! Hindi ko alam na ganito pala magbuntis ang mga babae. Napaka demanding. Napaka sungit. Napaka iyakin. Kapag hindi naibigay ang gusto, iiyakan nalang nya ako. Hindi ko naman sya matiis!
"Teka. Kinukuha na ni Manang." Sinamaan nya ako ng tingin sa sagot ko. Ano na naman?
"Galit ka ha?! Bakit ganyan ang tono mo?!" Jusko po! Bakit ganito sya ngayon? Naging mabait naman po akong asawa sa kanya. Ngumiti ako sa kanya para malaman nyang hindi naman ako galit. Napaka paranoid eh!
Dumating ang manggang gusto nya at kinain nya lahat yun. Grabe! Wala bang kabusugan ang babaeng to?
"Ivan, tawagan mo si Kenji. Gusto ko syang makita." Ganito lagi! Ganitong ganito! Lagi nyang pinapapunta si Kenji dito para lang mapagtripan nya! Tuwang tuwa sya sa mukha ni Kenji! My god! I don't want my child to be like Kenji! Abnoy yun eh!
"Baby, may sakit si Kenji." Namamayat na si Kenji gawa ni Jazrille. Sabi ni Mommy ganoon daw talaga kapag napaglilihian. Naaawa ako minsan kay Kenji pero mas kailangan kong sundin ang utos ni Boss. Ayokong mapaginitan.
*
Dumating ang ikaanim na buwan ng kanyang pagbubuntis. Madalas, hindi ako nakakapasok sa trabaho gawa nya. Hindi rin ako masyadong nakakapaglaro ng basketball dahil gusto nya kasama pa sya. Minsan ayoko syang isama kapag may game ako kasi pinagtitinginan sya ng team mates ko or ng ibang team.Ayaw nya akong umalis sa tabi nya at gusto nyang nakadikit ako sa kanya palagi. Kahit pupunta lang ako sa banyo, kailangan kasama pa sya. Torture! Pero para dun sa anak namin, okay lang.
"Tara, paultrasound na tayo." Niyaya ko syang magpa ultrasound dahil gusto ko nang malaman ang gender ng anak namin. Hindi sya sumangayon.
"Ayoko. Gusto ko surprise. Kaya intayin mo akong manganak." Walang gana nyang sabi. Hay! Iba ang tama ng asawa kong to.
"Punta tayong mall, baby. Gusto kong kumain ng ice cream." Nagpunta kami sa mall at bumili sya ng ice cream sa cold stone. Habang bumibili sya, may nakita akong kotse sa loob at tiningnan ko ito. May plano kasi akong bumili ng bagong kotse.
"Hi. Diba ikaw si Ivan Ramirez? Pwede papicture?" Pumayag ako since picture lang naman daw. Hindi parin naman tapos bumili si Jazrille so okay lang. Aalis na dapat ako nang biglang may tumawag na naman.
"Hi. Papicture naman." Hanggang sa dumami nang dumami at dinumog ako dito sa mall. Kingina, wala to sa plano!
"Where the fuck is Ivan?" Narinig kong sabi ni Jazrille. Jusko! Galit na sya. Ang lakas nang pagkakasabi nya eh.
"Hoy. Lubayan nyo yang lalaking yan kundi makakatikim kayo sakin!" Sigaw nya sa babaeng nagpapapicture sa akin. Lord, wala naman po sanang away ang mangyari ngayon. Gusto ko lang syang samahan sa mall at makauwi ng peaceful.
"Ano ba, Miss? Kung nagpapapansin ka sa kanya, mamaya na! Nagpapapicture kami." Jusko! Sumagot pa yung babae. Mamaya, nahawi ang mga nagpapapicture sa akin. Buntis ang babaeng to pero amazona!
"Asawa ko yang dinudumog nyo!" Galit na nga si Boss. Natahimik ang mga babae pero ang sama ng tingin sa kanya.
"Hoy, Miss. Wag ka ngang epal. Buntis ka na nga, nakikisali ka pa dito. At tsaka ikaw? Asawa nya? Sa gwapo nya pinatulan ka? Hindi ka naman ganoon kaganda." Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh! Ang sama na ng tingin ni Jazrille sa babae. Lumapit si Jazrille dun sa babae at tsaka hinigit ang buhok.
BINABASA MO ANG
STILL MY MVP (Arcadia Series #1 Book 2)
Teen FictionJazrille left the love of her life for his own good. And now that she came back for him again, will their lost love find it's way back to them and live a happy ever after? MY CONTRACT BASKETBALL PLAYER BOYFRIEND BOOK 2! Start: September 7, 2014 Ende...