Jazrille's POV
Nandito na kami ngayon sa Mall of Asia Arena para sa first game nila. Best of three lang ang labanan kaya naman kailangan nilang manalo ng dalawang beses para maging champion.
Nasa dugout pa sila at kami naman ay nandito sa patron seats kung saan ay malapit at kitang kita mo ang laro. Kasama ko ngayon sila Ashley, Rae, Cha, Chiny, si Gian at si Nathan. They're all here to support the team syempre.
Ilang minutes nalang at magsisimula na ang game. May lumapit na naman sa amin, katulad nung una akong nanonood ng game dito.
"Ma'am, pwede po ba kayong mafeature sa silver works?" Tanong nito kay Ashley. Ngumiti naman si Ashley bilang pag sangayon.
"Ngingiti lang po kayo sa camera habang hawak ang paper bag na ito." Sabay pakita ng paper bag.
"At kung gusto nyo po ay pwede kayong kumaway." Tumango si Ashley at ginawa ang sinabi ni Kuyang Silver Works. Nang matapos si Ashley..
"Hala ka! Lagot ka kay Ethan. Hahaha." Sabi namin sa kanya. Ayaw kasi ni Ethan na nae-expose sya sa mga ganitong bagay. Ang soon to be doctor ng barkada.
"Sus. Minsan lang naman eh." Ilang sandali ay nagsimula na ang game. Tinawag na ang starting five ng bawat team.
Ang kalaban nila ngayon ay ang Aquinas Red Lions. Balita ko ay malakas kalaban ang team na ito pero malaki naman ang tiwala ko sa team nila Ivan. Si Ethan na kasi ang team captain ng basketball ngayon.
"And the starting five of Arcadia University!" Nagsigawan naman ang mga supporters ng school namin. The crowd gone wild nang ipakilala ang starting five ng team.
"#14, Kenji Torres!" Malalakas ang sigawan ng mga babae sa parte namin at hindi natutuwa si Cha. Hindi ko alam kung anong meron dito sa dalawa at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila.
"#23, Daryl Mariano!" Nauna ng sumigaw si Rae. Supportive talaga yan pagdating kay Daryl.
"Go baby! Ang gwapo moooo!" Hahaha. See? Dead na dead kay Mariano yan!
"#27, Jethro Delos Reyes!" Syempre! Dahil pinsan namin yan, sumigaw kaming lahat kahit kami lang ang maingay sa patron seats. Hahaha! But who cares?
"#13, Ethan Lee!" Mas lumakas lalo ang hiyawan nang banggitin ang pangalan ni Ethan. Ashley's smiling nalang. Keeping the poise. Hahaha!
"And.. #17, Ivan Ramirez!" Lumakas lalo ang hiyawan at miski ako ay nakisagaw din. He needs my support and that's why I'm here.
Nag jump ball na at nakuha ng kalaban ang bola. Una palang, alam mong malakas ang depensa ng kalaban kaya naman todo cheer ang mga ka schoolmates ko para suportahan sila.
Bantay ni Ethan yung captain at si Ivan naman ay bantay yung may hawak ng bola. Mainit ang labanan kahit kasisimula palang ng game.
Nakuha ng kalaban ang unang puntos at nasa Arcadia ang bola ngayon. Hawak ni Jet ang bola ata biglang ipinasa kay Ivan na nasa three point line. Walang bantay sa kanya kaya naman itinira nya ang bola then...
"Ramirez for threee! Bang!" Naishoot ni Ivan ang bola at nagsigawan ang crowd sa MOA Arena. Lamang na sila ng isa sa kalaban.
Nasa kalaban na ang bola at sumagot rin ito ng tres laban sa kanila.
Mainit ang labanan sa nakalipas ng 15 minutes. 2nd quarter na ngayon at nasa Arcadia ang bola. Ipapasa na sana ni Ivan ang bola kay Ethan nang bigla syang siniko ng kalaban kaya naman tinawagan ito ng foul. Halata ko sa mukha nya na nasaktan sya sa nangyari pero hindi nya ito ipinahalata pa sa iba.
BINABASA MO ANG
STILL MY MVP (Arcadia Series #1 Book 2)
Teen FictionJazrille left the love of her life for his own good. And now that she came back for him again, will their lost love find it's way back to them and live a happy ever after? MY CONTRACT BASKETBALL PLAYER BOYFRIEND BOOK 2! Start: September 7, 2014 Ende...