Ivan's POV
Sa wakas! I am feeling better. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko kaysa kahapon. Wala nang masakit sa akin. Yung puso ko nalang. Joke. Paggising ko, wala akong Jazrille na nakita na nagbabantay sa akin. Nasaktan ako kasi akala ko kahit papano, concern parin sya sa kalagayan ko. Inisip ko na paggising ko, nandito sya tabi ko. Pero wala.
Bumaba na ako para makakain dahil gutom na ako. Walang tao sa kusina at tahimik ang buong bahay. So, nasaan sila? Wala naman kaming lakad ngayon ah.
"Ivan. Okay kana?" Narinig kong sabi ni Ate Nik habang kalong si Tristan. Agad ko namang kinuha si Tristan sa kanya na nakabalot pa sa tuwalya. Mukhang bagong ligo si baby boy ah.
"Ako na po ang mag bibihis sa kanya. Nasaan po sila?" Sinabayan ko si Ate Nik papaakyat sa kwarto nila para makakuha ng damit ni Tristan. Nakayakap naman sa akin ang bata habang kalong kalong ko sya. I love feeling this way. Nanlalambot ang puso ko kapag yakap ang batang ito.
"Nasa Moalboal. Doon nila napagplanuhan na bumili ng mga kailangan dito sa bahay. Namalengke na rin sila. Kasama nila si Kuya Charles mo dahil pinagpahinga nila ang driver. Oh eto, damit ni Tristan. Maliligo lang ako ha." Iniwan na kami ni Ate Nik sa kwarto at sinimulan ko namang bihisan si Tristan. Napaka cute talaga ng batang to!
Pagkatapos ay bumaba na kami sa living room at nanood kami ng tv. 10:30 palang ng umaga kaya puro cartoons pa ang palabas sa tv. Nakaupo naman sa lap ko si Tristan habang hinihimas ko ang likod nya. I love being with this kid. Ang bait alagaan.
"Tito. Tito." Narinig kong sabi ni Tristan kaya naman napatingin ako sa kanya. Ako ba ang tinatawag nito? Well, ako lang naman ang kasama nya dito so baka ako nga. Tumayo si Tristan sa lap ko at tsaka na naman yumakap sa akin at hiniga ang ulo nya sa balikat ko. Gusto na nya atang matulog!
Tumayo ako at nag sway sway, katulad ng nakikita kong ginagawa ni Jazrille kapag pinapatulog nya si Tristan. Tinapik tapik ko pa sya para mabilis syang makatulog. Hindi naman nagtagal ay lumabas na si Ate Nik sa banyo.
"Oh, tulog na?" Sabi ni Ate Nik habang pinapatuyo ang buhok nya. Tumango naman ako at inayos ni Ate Nik ang hihigaan ni Tristan dito sa living room.
"Salamat ha. Alam mo ba, hanggang ngayon iniisip ko parin kung bakit pinapatagal nyo pa ni Jazrille na ganito ang situation nyo. Pwede naman kayong magkabati at magkaayos kasi pinapansin ka naman nya, pero bakit ganito? Bakit okay ka lang na ganito kayo?" Pinatay ni Ate Nik ang tv at humarap sakin. Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa kanya. Miski ako, hindi ko alam kung bakit hindi ako makagawa ng paraan para magkaayos kami.
"Pagkatapos ng bakasyon namin dito, aalis ulit kami. Babalik kami ng Korea at sasama si Jazrille sa amin. Ayos lang ba iyon sayo?" Ayos nga lang ba sa akin? Masaya na sya nang wala ako, guguluhin ko pa ba? Siguro ito na rin ang closure namin. Yung kinakausap nya ako, yung pinapansin nya ako.
"Masaya naman po sya, Ate Nik. Ayoko na pong makadagdag sa mga hinanakit nya. Malaki po ang kasalanang nagawa ko sa kanya. Hindi po ganoon kadaling magpatawad. Siguro po, kung kami.. kami talaga. Babalik at babalik rin kami sa isa't isa. Pero sa ngayon, tama na pong bigyan ko sya ng panahon para sa sarili nya. Para mas malaman nya kung ano ba talagang gusto nya. Gusto ko po, kapag bumalik kami sa isa't isa, maayos na kaming dalawa. Nakapagpatawad na. Nakalimot na sa nakaraan." I stated a matter of fact. Ngayon na lang ulit may nagtanong sa akin kung ano nga bang balak ko sa amin.
"Kung magkakabalikan man po kami, ako na yung magiging pinakamasayang tao sa buong mundo. Si Jazrille lang naman po yung minahal ko ng ganito. Hinintay ng ganito. Kung plano to ni God para sa amin, tinatanggap ko. Kung sa paghahanap nya sa sarili nya ay makahanap sya ng iba, tatanggapin ko. Kahit masakit para sa akin. Basta maging masaya lang talaga sya, magiging okay ako." Gumaan ang pakiramdam ko. Si Ate Nik palang ang kausap ko, paano pa kaya kung si Ate Vanah pa, diba? Baka umiyak na ako dito.
BINABASA MO ANG
STILL MY MVP (Arcadia Series #1 Book 2)
Roman pour AdolescentsJazrille left the love of her life for his own good. And now that she came back for him again, will their lost love find it's way back to them and live a happy ever after? MY CONTRACT BASKETBALL PLAYER BOYFRIEND BOOK 2! Start: September 7, 2014 Ende...