Chapter 8

2.7K 57 8
                                    

Jazrille's POV

Nandito ako sa labas ng room namin at nakikipagkwentuhan kay Rae. Hindi nya pala alam na sumali ako sa isang organization pero para mapapanood ko sila, niyaya ko sila.

"Let's watch a game later, please." Sabi ko kay Rae. Hindi kasi sya mahilig manood ng mga ganitong bagay dahil mabilis syang mabored. Buti nga napapapanood sya ni Daryl kapag may laban ang team.

"You know its not my type Rain." I told you. Kailangan pa ng pilitan dito.

"Please, minsan lang naman eh. Gusto ko lang manood. First time kong makakapanood ng sports fest dito sa school." She sighed. It means, napapayag ko na sya.

"Okay fine. Just text me kung saan tayo uupo. See you later." Umalis na sya at ako naman ngiting ngiti na pumasok sa room namin. Nakita ko naman si Nathan.

"What's with the face?" Nakasimangot kasi sya and parang wala sya sa mood na makipagusap sa iba. Yayayain ko sya kasi syempre, gusto ko syang nandun.

"Can we watch a game later?" Sabi ko. Hindi naman kasi nya sinagot yung isang tanong ko. Hanggang ngayon, wala parin syang imik.

"Nathan, please. Talk to me." Ano na naman bang problema nito at hindi ako kinakausap? May nangyari kaya?

"Nathan? Samahan mo kaming manood, please." Hindi parin nya ako tintingnan. What the hell is happening?

"Nathan. Please?" Mukhang napagisipan na nyang kausapin ako. Tumingin kasi sya sakin eh.

"Ano ba kasi yun?" Medyo calm pero alam mong may inis sa boses nya. Sino ba kasing may gawa nito sa kanya?

"Watch a game with us please?" I just want him to watch me play.

"Okay fine. Magtigil ka lang." Yes! Sila lang naman ang gusto kong makita mamaya eh.

"Thank you so much, Nathan." Umalis na ako at nagpunta sa org room. Naghahanda na yung iba para mamaya pero ako nakaupo lang.

Medyo kinakabahan ako. Pero alam kong kaya namin to.

Rae's POV

Nandito na kami sa gym. May sports fest kasi kami and sabi ni Rain na manood daw kami. Pero sya pa ngayon ang wala. Pinauna nya kami dito sa pwesto namin kung saan kitang kita mo talaga yung mga maglalaro.

Volleyball nga pala ang sport. Hindi talaga ako mahilig manood ng mga ganitong laro. Kapag kay Daryl naman, nung una napipilitan ako pero noong tumagal, nasanay na ako. Nasanay na kailangan na nanonood ako everytime na may game sya.

Suporta ko narin sa kanya. Magsstart na yung game pero wala pa si Rain. Complete kaming barkada ngayon miski si Ethan, Nathan and Ashley nandito. Pati rin si Gian, nandito.

Ano bang meron at pinapanood nya kami lahat tapos sya pa ang wala dito? Nagulat ako nang mag buzz na yung buzzer. It means, magsisimula na yung game. Hanggang ngayon, wala parin si Rain. Ano naman kayang nangyari sa babaeng yun?

Ipinakilala na ang mga players na maglalaro sa College of Fine Arts and Design. Mukhang magagaling naman sila pero wala talaga akong hilig sa volleyball.

Malapit nang ipakilala yung mga players sa College of Business Administration pero wala parin sa Rain. College nya to dapat sya ang sumusuporta dito.

Pero mas nagulat ako nang lumabas na ang mga players ng college nya. Aba, ang babae.. Kasama pala.

Jazrille's POV

Lumabas na kami sa dugout at pumunta sa court dahil ipapakilala kami. Kalaban pala namin ang College ni Cheska. At mukhang si Cheska pa ang captain ng team nila.

STILL MY MVP (Arcadia Series #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon