Chapter 26

1.7K 34 20
                                    

Ivan's POV

Maaga akong pumasok sa office dahil ang dami kong kailangang gawin. Masyado akong nape-pressure sa mga pinapagawa sa akin ni Daddy. Gumugulo pa rin sa isipan ko ang mga sinabi sa akin Martin. Ilang linggo na rin ang nakalipas pero hindi ito mawala sa isip ko. Wala pa rin akong napag sasabihang iba tungkol dito.

Naging maayos ang pakikitungo ko kay Cheska nitong mga nakaraang araw. Sinasamahan ko na rin sya sa mga check ups nya. Noong una, nagtataka sya pero nang magtagal ay natutuwa na sya. Ito lang naman kasi ang magagawa ko para kay Martin. Yun nga lang, sana wag itong bigyan ni Cheska ng ibang kahulugan.

"Sir, may naghahanap po sa inyo sa baba. Ethan Lee po." Napatingin ako sa babaeng ibinigay sa akin ni Daddy para gumabay sa akin. Tumayo ako at bumaba sa lobby para makita si Ethan. Wala naman kaming usapan ngayon pero bakit sya nandito?

"Hey, Ethan Lee!" Tawag ko sa kanya nang makita sya sa lobby. Napatingin naman sya sa akin at tsaka ako niyakap. What the hell is wrong with this guy?

"Ano ba? Bitaw nga!" Pilit ko syang inaalis sa yakap nya sakin! Kainis! Problema nito?

"Ivan! Sumama ka na! May lakad ang barkadahan sa Sabado. Kumpleto tayo." Hindi ako kaagad nakasagot sa sinabi ni Ethan. We're complete? Nandito ba si Jazrille?

"Ay mali. Di pala, wala si Jazrille." Napasama ang tingin ko sa kanya kaya naman tumawa lang sya. This guy is getting into my nerves!

"Sumama ka ha? Tangina mo, kapag di ka sumama magkalimutan na tayo." Seryosong sabi ni Ethan at mukhang wala na akong magagawa.

"Fine. Fetch me in the house." Kumunot ang noo nya sa sinabi ko. He doesn't want to fetch me. Ayoko namang magdala ng sarili kong kotse dahil hassle yon!

"Ano ka, babae? Wag ka ngang maarte. Gusto mo bang ipadala ko pa dito ang kotse ni Jazrille?!" Inis na inis na sinabi nya sakin. Nakakatawa ang itsura nya pero hindi ko magawang tumawa dahil baka masuntok ako nito bigla.

"Take it or leave it." At tsaka ko sya tinalikuran. Buti nga kinausap ko sya sa dami ng ginagawa ko eh. Pasalamat sya magkaibigan kami!

"Tangina, Ivan! Oo na. Ipapasundo nalang kita!" Sigaw nya kaya naman napatawa ako. Di rin ako matitiis ng gago. Bumalik ako sa office at nakita ko si Daddy na naghihintay sa akin doon.

"Sir?" I approached him. Minsan lang sya bumaba sa opisina nya kaya naman halos lahat ng nasa department namin ay nakatingin sa kanya.

"Ethan talked to me." So, mas nauna pa pala ang Daddy ko kaysa sakin? Hay Ethan! Napaka tanga mo naman talaga.

"May getaway daw kayo this weekend? Where is it?" I don't even know where is the place. Hindi sinabi sa akin nung gago!

"I don't know, Sir. Ethan didn't tell me the exact place." Mukhang hindi ako papayagan nito ah? February na at ilang buwan nalang ay ga-graduate na ako. Konti na lang talaga.

"Okay. Tell me the details and I will work on your 3 days leave slip." Tumalikod sya at nabigla ako sa sinabi nya. Is he serious? Ayaw nya akong umabsent dahil sobrang unprofessional daw noon pero ngayon, he's giving me time to rest!

Masaya akong bumalik sa ginagawa ko pero hindi mawala sa isip ko ang lakad namin. I know that Jazrille won't come pero may kaunti parin sa isip ko na baka lang, baka lang pumunta sya.

It's Thursday today at pinuntahan ko si Cheska pagkatapos ng trabaho ko sa office. Bumabalik na sa dati ang sigla nya pero minsan naiisip ko si Martin. He is the father of her child pero wala syang magawa kundi ang bantayan si Cheska sa malayo. I don't want to experience this kind of situation kaya naman tinutulungan ko sila.

STILL MY MVP (Arcadia Series #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon