PROLOGUE

7.1K 163 4
                                    


"I can already see the target"


Wika ng isang lalaking nasa loob ng magarang kotse habang may mga wireless airpads na nakasuot sa kanyang tainga. Nagmamasid siya sa paparating na binata na isa sa akala nilang kasama ito sa organisasyon.


"Eyes on him, Lopez."ani ng kaniyang boss sa kabilang linya.


He nodded."Yes, Boss."

Katahimikan ang namayani sa buong paligid habang taimtim na naglalakad ang binatilyo dala ang isang talavera's bag na hindi niya alam kung anong nilalaman noon. Matagal na itong pinapagawa sa kanya ng kanyang minamahal, sumusunod lamang siya dahil mahal niya ito.



"The other one subjects is now here. Nasa gawing kanan mo, Camero."wika ng kasamahan nila sa kabilang linya.



Kanya-kanya naman silang nagsipaghanda ng mapansing may paparating na dalawang sasakyan. They know na ito na ang kikitain ng binatilyo na may hawak na talavera's bag na naglalaman ng mga drugs.


Ngunit ang isang matipunong lalaki ay hindi maalis ang tingin sa binatilyo na panay lingon sa kanyang gilid at likod. He knew that there's something to that guy kung bakit ganito ang kinikilos nito kumpara sa mga taong sangkot sa ganitong organization.




"Men. Be ready. Mr. Greg is one of the largest organization here in the Philippines. Hindi siya basta-basta. Mabilis makatunog ang matandang 'yan kahit pa inuugod-ugod na. Do your best to finish this shit!"their Boss informed them.


Agad na silang lumabas sa kanilang mga sasakyan ng hindi gumagawa ng ano mang ingay. Saktong pagpwesto nila ay siya namang labas ng matandang lalaki with his Bodyguard.




"Is that all?"wika ng matanda sa binatilyo.



Hindi kaagad ito nakasagot. Napa-iling naman ang matanda ng maalalang hindi ito nakaka-intindi ng wikang English.


"Iyan na ba lahat yun bata?"ulit nitong tanong.



Napanguso naman ang binatilyo."Hindi na po ako bata at tsaka hindi po bata ang pangalan ko."




Nagulat naman ang matanda sa naging sagot nito sa kanya. Sa kabilang banda naman ay kanya-kanyang nagsipigil ng tawa. Ngayon lang sila naka-encounter ng ganito sa kanilang buhay.



"What a fabulous kid."



Naisiwika na lamang ni Lopez. Narinig naman niya hagik-ikan ng mga kasama. Natigil naman sila ng sawayin sila ng kanilang Boss.




"Focus on your mission, fuckers!"


Nabaling naman ang attention nila sa matanda ng magsalita ito.



"Wala akong pake kung anong pangalan mo. Now, ibigay mo yan sa'kin at makaka-alis ka na...nang matiwasay."makahulugan nitong saad.




Lumapit naman ang binatilyo at inabot sa matanda ang medyo may kabigatang bag. Tatalikuran na sana niya ito ng bigla siya nitong tawagin. Saktong pagharap niya ay siya namang pagkalaglag ng ulo ng matanda.




Napatalon siya sa gulat at halos takasan na siya ng kanyang kaluluwa ng masaksihan ang nangyari. Nanghihina man ay sinubukan niyang tumakbo pero huli na ng may brasong pumigil sa kanya.



"And where the hell do you think you're going? A funny kid?"




P.C

A/N: Ayan, hello! I edited my work/story. Napansin ko kasing masyadong dramatic yung kay Tino tsaka medyo boring kaya in-edit ko. I informed you para alam nyo at don sa mga natapos na itong basahin, thank you at tiniis niyo. I appreciate you all. Thank you!

Duke of Kingston: Owning himWhere stories live. Discover now