CHAPTER 2 | Chaos
"Alaina, Bakla ako."
The moment he uttered those words, I knew something had changed. Something that's slowly emerging, suddenly subsided. Some feelings that needed attention, slowly vanished through thin air.
Aaminin ko, nasaktan ako ng konti sa sinabi nya pero wala akong karapatan na mas intindihin ang nararamdaman ko ngayon. Kailangan niya ng kaibigan na kayang umintindi sa kanya. Kaibigan na hindi siya huhusgahan at mas lalong hindi daragdag sa pasanin nya. Wala na akong iba pang dapat gawin kundi tanggapin ng buong puso ang katotohanan na yun. Kasi kaibigan ko sya.
Kasi mahal ko sya.
"Huy, Lai?" Bumalik ako sa realidad ng muli siyang magsalita. Hindi ko man lang napansin na nakatulala na ako dito kanina pa.
"Huh?" Hindi na inalis ang pagkakatitig sa mata ko kaya nasasalamin ko na halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Ramdam ko na kinakabahan at natatakot siya. Huminga sya nang malalim bago tumingala at muling tumitig sa mga mata ko.
"Bakla ako, Lai. As in gay, baklush, sirena. Ano? Bakit nakatulala ka lang dyan. Magsalita ka naman oh. Kinakabahan na talaga ako dito." Hinawakan nya na ng mahigpit ang mga kamay kong nanlalamig.
Nagulat ako nang makitang nakatitig siya ng mariin na parang sa akin lang sya kumukuha ngayon ng lakas. Pero mas nagulat ako ng makitang may namumuong luha sa mga mata nya. Naiiyak na sya.
"Ayaw mo na ba sa akin? Dahil ba ganito ako? Ayaw mo na ba akong maging bestfriend forever mo? Beb, magsalita ka naman oh. Iiyak na talaga ako dito." Muli na naman akong nagulat nang bumitiw sya sa pagkakahawak sa kamay ko. Dahan-dahan syang tumalikod at naglakad pero bago pa sya tuluyang makalayo ay patakbo akong yumakap sa likod nya.
"Beb, huwag kang ganyan. Bakit naman hindi kita tatanggapin? Syempre tatanggapin parin kita. Kahit nga maging dinosaur ka pa noh." Natawa sya sa sinabi ko kaya nahawa na rin ako. Humarap sya saakin at hinagkan nya ang dalawa kong pisngi.
"Talaga ba? Tanggap mo ako, kahit na g-ganito ako? Kahit na b-bakla ako?" Bakas ang kaba, takot at pag-aalinlangan sa boses nya. Ngumiti ako.
"Oo naman no! Beb forever walang iwanan nga tayo diba? Walang ayawan at iwanan, forever diba? Tsaka bakit ngayon pa kita aayawan eh kasama na kita ng higit twelve years. Buti nga hindi pa ako nagsasawa sa mukha mo eh.” Muli na naman syang tumawa sa sinabi ko kaya napangiti ako lalo. Inakbayan nya ako at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa dinaanan namin kanina.
It's true we're best out of the best friends ever, we've known each other since we're eight years old and now that we're both twenty, we still want to know each other more. We still want to spend more time together.
"Pero kailan pa?" Nilingon niya ako ng may nagtatanong na mga mata.
"Huh?"
"Kailan ka pag naging g-ganyan? Kailan mo nalaman na iba ka kaysa sa ibang mga lalaki?" Napatingala sya na parang nag-iisip at muling tumingin sa akin na may maliit na ngiting nakapaskil sa mga labi nya.
"Eversince. Noong mga bata pa kami, palagi akong sumasama sa ate at sa mga pinsan kong babae kapag naglalaro sila ng luto-lutuan o make-up ganun. Inaaya din naman ako nang mga pinsan kong lalaki na maglaro ng baril-barilan eh, kaso pag memake-up talaga ang tinitibok ng puso ko. Tsaka pakiramdam ko isa talaga akong sirena." Nahihimigan ko ngayon sa boses nya ang lambot kung paano nya bigkasin ang mga katagang iyon. So matagal na pala talaga siyang kumekembot-kembot, at ngayon ko lang napansin.
"Sino pang nakakaalam?" Kuryoso kong saad.
"Bukod kila mama, daddy, at ate, ay ikaw pa lang.” Hinawakan nya ng mahigpit ang mga kamay ko. “Please Lai, huwag na huwag mong sasabihin sa iba ha. Hindi pa kasi ako handa eh, pero pinag iisipan ko na talagang lumantad, bilang ako. Bilang yung tunay na ako. Kaya mangako ka sakin, Beb. Wala ka munang pagsasabihan nito. Promise?" He lifted his pinky finger as a seal to our promise. Itinaas ko rin ang hinliliit ko at iniangkla iyon sa daliri nya. Ilang segundo pa kaming nagtitigan bago ngumiti sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
The Gentle Truth
RomanceATYPICAL LOVE 1 Mahal ni Alaina si Joaquin, higit pa sa ilang taon nilang pagkakaibigan. Matagal na syang may lihim na pagtingin dito, pero ni minsan ay hindi nya inisip na magtapat. Natatakot na masira ang kung ano mang mayroon sila. Pero paano kun...
