CHAPTER 24

333 11 15
                                        

CHAPTER 24 | Hope

Sa loob ng limang taon, walang pagkakataon na hindi pumasok sa isipan ko ang senaryong ito. Mula nang malaman kong buntis ako kay Faith ay inihanda ko na ang sarili ko sa mga posibleng kaharapin ko kapag nalaman iyon ni Joaquin. Lahat ng posibleng mangyari ay inisip ko na. Aaminin kong sa loob ng mga nagdaang panahon ay naduwag ako. Maraming pagkakataon ang binigay sa akin para makauwi ng Pilipinas, ngunit hindi ko ginawa. Mas pinili kong manatili sa lugar na sa tingin ko ay mas ikabubuti ng kalagayan naming lahat.

Tatlong buwan mula noong dumating kami ni Anya sa New York at kasalukuyan ko ring inaasikaso pa ang mga requirements sa Culinary school na papasukan ko, nang bigla akong makaramdam ng matinding pagkirot ng puson at hilo. Noon din ay hinimatay daw ako at mabuti na lamang ay naisugod agad sa pinakamalapit na ospital. Doon ko na rin nalamang magtatatlong buwan na pala akong buntis. Hindi ko na rin naman iyon ikinagulat. Halos inumaga kami ni Joaquin noong panahong iyon. Hindi rin kami gumamit ng proteksyon. Kaya alam ko sa sarili kong meron at meron na naman kaming mabubuo. At mas lalong hindi ko iyon pinagsisisihan.

Gulat ang kapatid ko nang ipinakita ko sakanya ang results ng doctor, pati na ang ultrasound ko. Hindi siya makapaniwala dahil ang alam niya-nila eh maghihiwalay na talaga kami ni Joaquin. Ako rin naman, ganoon din ang akala ko no. Sobrang pagiingat ang ginawa namin dahil sa selan ng pagbubuntis ko. Nang maglimang buwan ang tyan ko, doon ako nagkalakas ng loob na ipaalam ang balita sa mga magulang kong nasa Pilipinas. At ganoon din ang reaksiyon nila; gulat na gulat. Gusto pa nga nilang sila na lamang ang magalaga sa akin eh. Pero hindi ko na lang pinaunlakan sa kadahilanang may edad na rin sila at ayokong mahirapan sila sa byahe na ilang oras pa. Si Teresa ang huling taong pinagsabihan ko at walang pagdadalawang isip niyang nilipad ang NYC, para lang makita ako. Ibinilin nya muna ang paghahandle ng Café kay Mimi. Iyak siya ng iyak ng makita ang malaki kong tyan. Hindi raw sya makapaniwala sa nangyari. Nanatili siyang kasama namin sa natitirang araw ng pagbubuntis ko hanggang sa manganak ako.

Iyon ang pinakamasakit na naranasan ko. Laking pasasalamat ko na rin at Filipina ang doktora ko. Kahit papaano ay may nakakaintindi ng sakit na nararamdaman ko. Dito siya nakabase sa New York dahil taga rito rin daw ang napangasawa niya. Panganganak na yata talaga ang pinakamasakit na mararanasan ng isang babae. Hindi ko alam kung papaanong kinaya ko iyon.

Grabe ang kapit ko sa bakal na gilid ng hospital bed habang pinapakalma ang sarili ko. Puno na ng luha ang mga mata ko. Gamit ang isang kamay ay inabot ko ang umbok ng aking tyan at marahang hinaplos iyon ng makaramdam na naman ako ng paghilab. Muli akong napapikit sa sakit. Nanatili akong kalmado, iyon kasi ang payo ng mama ko.

"Anak, huwag mo namang pahirapan si mama... Wala tayong ibang kasama ngayon..." Pagkausap ko sa tyan ko, na para bang maiintindihan ako ng anak ko. Totoong magisa ako ngayon habang hinahanda ng mga nurse ang kwartong pagaanakan ko. Wala pa si Anya at inaayos pa ang mga gamit na dadalhin niya rito. Galing pa kasi siyang trabaho at dadaan pa sa bahay para kunin ang ibang gamit na hindi ko nadala kanina. Si Tere naman ay umalis saglit at nagkaroon ng emergency. Nangako siyang babalik kaagad.

Sinubukan kong kumanta ng lullaby para pakalmahin ang anak kong gustong gusto ng makita ang mundo. Hindi rin nagtagal ay dinala na ako sa isang kwarto kung saan ako manganganak. Tuloy tuloy ang pag-ire ko, kasabay ng pagtuturo ni doktora.

The Gentle TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon