CHAPTER 3

394 15 1
                                        

CHAPTER 3 | Boyfriend

His words were like lightning, he never failed to send electricity throughout my whole being. Ramdam ko ang kakaibang dulot nun sa buong pagkatao ko. Parang kinikiliti ang puso ko. Pero agad din akong napa buntong hininga nang maalalang hindi ko dapat nararamdaman ‘to sa kaibigan ko.

Well, this is the rough reality, far from the gentle truth we wished it would be. Not everyone's feelings get reciprocated. Hindi lahat ng nararamdaman natin para sa isang tao ay kailangang maibalik. Sometimes we just need to accept the fact that we can love someone from a far. We'll get used to the feeling of wanting them and still knowing it's best if we stay exactly where we are. So we won't inflict further damage.

I feel awful. Bakit kailangan ko pang maramdaman ‘to sa best friend ko? Paano na lang kung malaman—Nope, he doesn't have to know. It'll complicate things. I can't lose someone so important to me. Selfishness won't get me anywhere.

"Are you okay?" Napakurap ako nang muli siyang magsalita. 

Napamaang ako ng kaunti. Sino kaya itong duguan at puro pasa saamin? Hindi nalang ako sumagot at piniling tumango na lamang. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa amin at hindi ako komportable sa atensyon na nakukuha namin.

Ngumiti siya ng bahagya bago kinuha ang kamay ko at hinatak ako paalis sa lugar na iyon. Ngunit bago pa kami makalayo  ay muling nagsalita ang lolo ni Joaquin.

"Siya ba? Siya ba ang babae mo? Bakla ka ba talaga o nagpapanggap ka lang para hindi matuloy ang engagement nyo ni Cynthia?" Bakas ang galit na may halong panunuya sa boses ng matanda.

“Is that the only thing that matters to you, Lo? Palaging ikaw na lang ang nasusunod. Lahat dinidiktahan mo. Even other people's lives and feelings!” Nagsinghapan ang lahat. Natuod naman ang lolo nya at hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanyang apo.

“Hindi ko parin papakasalan ang babaeng inilaan mo saakin. Tanggalan mo man ako ng mana.”

With that we stormed away from that crowded place, he's still holding my hand. I even saw Teresa's reassuring yet knowing smile. He dragged me until we reached the stream beside the old narra tree. Agad niyang binitawan ang kamay ko at lumayo ng bahagya sa akin.

"S-sorry." he muttered lowly, not looking at me. I smiled, throwing all the feelings aside. He needs a friend—not someone who'll disappoint him even more.

"For what?"

"Sorry kasi nakita mo pa yung ginawa ni lolo. And also, I'm sorry if it seemed like I was using you as an excuse. Though it's never my intention to make it sound like that. Pasensya na, beb.” Of course, it's all an excuse. Syempre naman Alaina, bakla sya alangan naman magpakasal talaga sya sa babae diba? Ni hindi sya masisikmurang pumatol sa tahong, kasi hanap nya ay talong. Natural lalaki ang gusto at gugustuhin nya. At talagang nag-assume ka pa, Lai?

"O-okay lang no. Ano ka ba, wala iyon." Peke akong ngumiti sa kanya. I just can't process this right now. “Kahit gawin mo pa akong excuse ng paulit-ulit, ayos lang. At least, natulungan kita sa kahit anong paraang kaya ko, di’ba?” Pabiro kong saad.

He smiled at me. Still the same smile I had seen years ago. Dahan-dahang siyang naglakad papalapit sa akin at hinawakan ang dalawa kong pisngi. Pinisil nya pa nga iyon.

“Finally, beb! Isiniwalat ko na sa balat ng lupa na hindi ako macho kasi macho rin ang gusto ko!” 

Kung may isang kahilingan lang ako, iyon ay ang makitang masaya at mabuhay ng malaya si Joaquin. Wala akong ibang gusto kung hindi ay ang maranasan nya ang mga bagay na noon nya pa gustong madama. Ilang taon din syang nagkubli. He spent years inside the pink closet, scared of what the world may throw at him if he ever comes out openly. And now that he's finally freed—he’s not going to waste a single damn chance to live his life the way he wanted it to be.

The Gentle TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon